Kinilala ang husay ni Ria Atayde sa katatapos na 30th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Si Ria ay nanalong Best New Female TV Personality para sa mahusay na performance niya sa “MMK” (Puno ng Mangga episode).
Aminado si Ria na hindi raw niya inaasahan na mananalo siya that night.
“Hindi po. Akala ko po si Arjo lang. Kampante po kasi ako na si Arjo ang mananalo, kasi ang husay po niya. So, akala ko po support lang. Tapos iyong mga nakahanay ko po, mas sikat sa akin. So, hindi ko po talaga inasahan na mananalo ako,” esplika ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez.
Ano ang naramdaman ni Ria nang tinawag ang pangalan niya bilang winner?
Sagot ng aktres, “Super nagulat po ako, kasi hindi ko po inasahan. Pagdating po sa stage, iba po. Parang… nanginginig o ninerbiyos ako. Hahaha! Hindi ko po mahanap ‘yung mga salitang sasabihin ko.”
Itong nakuha mong award, ano ang meaning nito para sa iyo?
“For me po, parang it’s a sign that I’m on the right track. Somehow I feel like I did something right. So it reminds me to continue working hard… continue being passionate and continue to learn my craft. It’s very humbling.”
Magsisilbing inspiration ba ang award na ito para mas pagbutihin mo ang bawat project na ibibigay sa iyo?
“Opo. As I’ve said, it’s humbling to receive an award and it serves as a reminder to do better in what I do.”
Actually, double victory ang nakuha ni Ria at ng brother niyang si Arjo Atayde na nanalo naman bilang Best Drama Supporting Actor (ka-tie si Arron Villaflor) para sa kanyang natatanging pagganap sa “FPJ’s Ang Probinsyano”. Bukod kasi sa acting awards, nanalo rin sina Ria at Arjo ng Female and Male Star of the Night for Music, respectively.
Umaasa si Ria na mabibigyan pa siya ng challenging projects, kabilang na ang pagsabak sa indie films kung may pagkakataon siya.
Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio