HAPPY ANG kaibigang Sylvia Sanchez sa magandang feedback ng publiko sa kanyang anak na si Ria Atayde. Bukod kasi sa marunong nang umarte as a newcomer, maganda pa ang dalaga. Nang i-post ko sa FB account ko ang mga bagong photos ng dalaga, ang daming nag-like at mga positive comments ang naging reaksyon ng netizens.
Sa pagpasok nito sa showbiz bilang isa sa pinakabagong mukha sa telebisyon via the morning serye na pampa-good vibes tuwing umaga, ang Ningning na napanonood on weekdays bago mag-It’s Showtime, happy ang aktres dahil natupad na rin sa wakas ang pangarap ng anak niyang pasukin ang pag-aartista.
Sa mga hindi pa nakaaalam, Ria finished her degree at the De La Salle University (DLSU) sa Taft at hindi sa St. Benilde (magkaiba ang dalawang school na ito na ang una ay with a high standard at ang pangalawa ay alam n’yo na). Naging aktibo sa kanilang student council na kung hindi pa marahil na-expose nang maaga sa showbiz sa pagsama-sama sa inang si Ibyang (tawag namin kay Sylvia) sa mga taping at shootings nito, baka napanonood na natin si Ria as a TV journalist sa international news agencies and networks tulad ng mga idol niya na sina Christiane Amapour ng CNN or Barbara Walters.
Kaso, malakas ang hatak ng showbiz lalo pa’t ang kuya niyang si Arjo Atayde ay isa sa pinaka-promising young actor natin sa kasalukuyan, na ayon sa review ng mga nakapanood ng premiere ng bagong serye ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network na Ang Probinsiyano, ang galing ng binata. Kamumuhian mo ang kanyang role, kung saan sila ni Coco Martin (as best friend pero magiging magkatunggali) ang magtatagisan ng galing sa pag-arte.
Si Ria naman who auditioned for Dream Dad and PBB 747 (the latest edition), naunsyami ang pagsisimula dahil she was a bit too young to be Zanjoe Marudo’s love interest.
Sa PBB naman, sa last stretch ng audition, he met a young girl na halos kasing edad niya na napag-alaman ni Ria na breadwinner ng kanyang pamilya, at nag-decide siya na mag-back-out na lang dahil she rememberd her mom na during her early years ay maagang natutong magtrabaho para sa kanyang pamilya sa Mindanao. “I think she didn’t make it to the finals,” kuwento ni Ria sa amin.
Good-hearted tulad ng ina at ng kanyang ama na si Papa Art Atayde na very supportive sa kanyang dalaga na pasukin ang showbiz, I know na malayo ang mararating ni Ria sa pinasok na mundo ng pag-aarista.
Sa katunayan, sa morning serye na Ningning, where she plays the role of Titser Hope, akma lang marahil ang karakter ng dalaga tulad sa totoong Ria na pagkakakilala namin, who is magalang, kind, compassionate, at isang mabuting tao.
Welcome to showbiz, my dear Ria.
Reyted K
By RK VillaCorta