Ayon sa mga dialogue nila sa “My Dear Heart”, pinapunta pala ni Margaret (played by Coney Reyes) ang anak na si Gia (played by Ria Atayde) sa Europe para mag-aral at maging doktor katulad niya.
Kung tama ang recall ko, sa pilot episode ng serye ay isang mabait at masunuring anak si Gia na nabuntis ng boyfriend niyang ginagampanan ni Zanjoe Marudo. After ng naturang episode, hindi na ako consistent na nakapanonood dahil sa kabisihan marahil sa trabaho at meetings.
Pero sa last Monday’s episode ng serye na napanonood on primetime after ng “FPJ’s Ang Probinsiyano” (na kasabay ngayon ng bagong serye ng GMA Kapuso Network na “Destined To Be Yours” nina Alden Richards at Maine Mendoza), bumalik sa Pilipinas si Gia bilang isang doktor na ang specialization ay Neurology. Laking gulat ni Dra. Margaret nang makita ang anak na dumalaw sa kanya.
Pero pansin ko lang, sa eksena kung saan yumakap si Dra. Margaret kay Gia, tila nag-iba na ang reaction ng anak. Hindi na ang dating Gia ang kayakap ni Margaret. Sa galaw ng mata at voice acting ni Ria, maldita na ang kanyang karakter (or shall I say a new Gia), na mas matalas na.
Ka-text ko si Ibyang (Sylvia Sanchez) earlier that evening prior to the telecast at sabi niya panoorin ko raw si Ria at magbigay ako ng feedback.
After that episode, isa lang ang mensahe ko sa text sa nanay ni Ria. I told Ibyang na sa pagkawala niya saglit sa serye, gulpe de gulat naman ang tumambad sa pagbabalik niya.
I wrote sa mensahe ko, “Maldita ang voice acting ni Ria. May karakter. Cherie Gil ang peg na malutong mag-Ingles.”
At ang reply ng ina, “Korek!”
Hindi ko na lang naidagdag, Ria is the new “bitch” na Inglesera at sosyalera.
Good luck, Ria!
Maging si Ms. Coney, very vocal sa kanyang papuri kay Ria, na aside from being a good actress ay magalang ito at may manners. Marunong din si Ria na magbigay ng papahalaga sa mas nakatatanda sa kanya.