Sa darating na Holy Wednesday, March 23, si Titser Hope played by newcomer Ria Atayde will turn 23 years old.
Bagets pa si Ria Atayde. Sa edad niya na kapag may birthday, ang mga bagets na tulad niya, kadalasan sa hindi ay party-party ang selebrasyon ng mga ito sa mga bar, kung hindi man sa mga beach, kung saan tuwing Holy Week ay dumarayo ang mga kabataang taga-Maynila.
But not for Ria who prefers to celebrate her 23rd year na simple lang tulad sa kadalasang pag-o-observe sa Lenten Season.
Walang plano si Ria na magpa-party. She prefers to celebrate her 23rd year this coming Palm Sunday, March 20, sa Cottolengco Filipino (Orphanage for Disable Children) na matataguan sa Gloria Vista Subdivision, Brgy. San Rafael, Rodriguez (Montalban), Rizal kasama ang mga kaibigan niya at ina na si Sylvia Sanchez at mga kapatid.
“I want to share my blessings for the less fortunate specially the children,” kuwento ng dalaga na after ng kanyang magandang exposure as Titser Hope sa morning pampa-good vibes serye na “Ningning”, she’ll be part of “It’s Showtime” Lenten Special na ipalalabas na sa Monday, March 21, kasama sina Mariel Rodriguez at Karylle na mag-aaway-away sa episode na “The Wedding” sa direksyon ni Nick Olanka.
Kaya nga during the taping of the said episode sa San Jose del Monte, maagang gumising si Ria. Hindi pa yata sumisikat ang araw ay naghahanda na siya at on the way sa location na lang ulit siya natulog.
Sabi nga niya, “Pagagalitan ako ng nanay ko ‘pag na-late ako. One thing mom told me na kung papasok ako sa showbiz, I should always be on time. I need to respect other people,” sabi ng dalaga.
Ang inang si Sylvia Sanchez ang batayan ni Ria kung ano ang disiplina niya sa showbiz. Respeto at paggalang sa kapwa artista (sikat man o baguhan) at maging sa mga crew at production people na mas mahirap ang ginagawang trabaho.
Sa isa sa mga anak-anakan namin sa showbiz, Happy Birthday Ria! Stay as sweet as you are. Bilib ako sa ‘yo. Sa kasosyalan mong ‘yan, masang-masa ka pa rin kapag kaharap mo kami at ang pakikitungo mo, just like your mom.
Good luck sa career mo and more projects. Nandito lang ang Tito Roel mo na tagapagtanggol mo kapag inapi ka.
Reyted K
By RK VillaCorta