Mag-bestie sina Coleen Garcia at si Ria Atayde. Bukod kasi sa magkaibigang matalik, pinsan ni Ria ang dalaga, na last Tuesday evening ay nag-propose ang boyfriend niya for almost four years na si Billy Crawford, kung saan sa isang simpleng gimikan ng magsing-irog at mga kaibigan nila, walang kamalay-malay si Coleen na may paandar na palang gagawin ang boyfie noong gabing ‘yun.
Yes, isang happy ending ang kinahinatnan ng pagmamahalan nina Coleen at Billy na sa wakas ay mauuwi na rin sa kasalan.
Sa katunayan, last Sunday sa presscon ng bagong pelikula ni Coleen under Star Cinema na “Extra Service”, during my exclusive interview sa kanya kung kalian naman sila ni Billy (read: ikakasal dahil nauna nang nag-propose si Erwan Heussaff sa GF na si Anne Curtis),sabi lang ng dalaga sa amin, “Wala pa po. Wala pa ngang engagement. Kasal pa?”
Pero wala palang kamalay-malay si Coleen, may engement ring nang nabili si Billy na ipinatago ng binata sa kaibigan nilang si Ria.
Sa Instagram account ni Ria, sinulat niya: “I am so emotionally invested in this couple and I couldn’t be happier that finally, after 18 months of keeping that ring (scariest thing to put in my vault btw) and planning, @billyjoecrawford finally asked @coleengarcia to marry him ?? it’s amazing to see your best friends happy. Now, I can’t wait to officially welcome Crawfish to our crazy family. Ugh I love you both so much…”
As of presstime, wala pang detalyte tungkol sa kasalan na magaganap. Basta, we will keep you posted sa mga kaganapan.
Reyted K
By RK VillaCorta