KUMPIRMADONG DALAWANG buwang buntis si Rica Peralejo. Matapos ang halos tatlong taong paghihintay nila ng asawang si Joe Bonifacio ay nagbunga na rin sa wakas ang kanilang pagmamahalan.
Kuwento ni Rica tungkol sa panibagong kabanata ng kanyang buhay, “Noong una, parang I missed my period. I am very regular. That was unusual. Aside from that, biglang nag-flash back na maraming moments na inaantok lang ako, nahihilo ako. Akala ko lang talaga baka pagod lang ako. So I took the pregnancy test. It was four in the morning when I took it. At first, I thought it was negative. ‘Teka muna, hindi pa ako nag-pregnancy test before so I wouldn’t know what a positive one or a negative one looks like.’ Tapos nakita ko doon na a fade line is still a second line so it still means you’re pregnant. Tapos ginising ko ulit asawa ko. ‘Love, sorry, pregnant yata ako.’”
Pinagplanuhan daw nilang mag-asawa ang right time when to have a baby. After graduating in 2012, they waited for six months. “It didn’t come right away. Mga six months kaming nag-try. We’re just glad na hindi sa timing namin kundi sa timing ni God dumating iyong baby,” sabi ni Rica.
Rica and Joe got married in a beach wedding at Kawayan Cove in Nasugbu, Batangas in 2010. They first met at a Victory Christian Fellowship where Joe serves as a pastor. Nagkatotoo ang sinabi noon ni Rica that she will only get married when she finally finds a “Man of God”.
The Buzz asked Rica kung ano ang gusto niyang maging anak. “Ako kasi more on boy kasi halos lahat ng pamangkin ko [ay] babae. Sila naman all boys sila sa family. Sabi niya, ‘I would really love to have a girl.’ Kung anong dumating. Anyway naman any child is a blessing.”
Philip o Olivia raw ang mga posibleng ipangalan nilang mag-asawa sa magiging baby nila. Puring-puri ni Rica si Joe because of the support he is giving her. Lagi raw siyang ine-encourage nito dahil alam ni Joe na mahirap ang magbuntis.
Wala man siya sa harap ng kamera ngayon ay hindi naman nawawalan ng pinagkakaabalahan si Rica. Pinagtutuunan niya ngayon ng atensyon ang pagiging isang ina at writer. “You only have something to write when you have a lot to write and being a mom gives you that breath of experience.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda