DALAWANG SERYE sa magkaibang network ang ginagawa ngayon ni Ricardo Cepeda. Pero hindi raw ito magkakaroon ng conflict dahil wala naman siyange exclusive contract sa alinmang istasyon.
“Alam ng GMA na semi-regular ako sa Pure Love. Ipinaalam din namin sa ABS-CBN na gagawin ko ang Ilustrado,” aniya.
“Okey naman. Wala namang nagiging problema sa schedule ng tapings no’ng dalawang show, e. Tapos magkaiba rin ng oras. Hindi sila magkatapat ng airing.”
Ang Pure Love ay romantic-comedy series ng Kapamilya Network kung saan bida sina Alex Gonzaga at Arjo Atayde. Isang bayaniserye naman ang Ilustrado ng GMA 7 kung saan pangunahing tampok si Alden Richards bilang si Jose Rizal.
Ginagampanan ni Ricardo ang character ng ama ni Rizal na si Francisco Mercado. Si Eula Valdez naman ang nagpu-portray sa role ni Teodora Alonso na asawa niya sa istorya.
“It was a good role. Iyon ang gusto kong role na… at this stage in my life, gusto kong ipakita ‘yong role ng father.”
Pero marami na siyang nagawang father roles before, ‘di ba?
“Oo. Pero most of the time kontrabida ang nakukuha ko! E, itong role ko sa Ilustrado, good father ito. And I connected it actually sa aking personal way of bringing up my own kids in real life.
Dalaga na pareho ang mga anak niya kay Snooky Serna na sina Samantha at Sachi. Kumusta ang kanilang samahan as father and daughter?
“Strong as ever! I’ve always had a very good relationship with my daugthers, e. Four or five times a week kaming nagkakasama kahit malayo ang mga bahay namin.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan