CROSSOVER QUEEN ang tawag kay Eugene Domingo. Siya lang kasi ang bukod-tanging artista na nakatatawid para makagawa ng project sa GMA-7, ABS-CBN, at TV5. Kasi, hindi nga siya exclusive talent.
Ang taray nga ng sagot niya recently when she was asked kung ano ba ang makaka-convince sa kanya to sign an exclusive contract. Aniya, ibili raw siya ng apartment sa New York at sa London!
Mahilig daw kasi siyang mamasyal sa mga nasabing lugar. Eh ang mahal mahal naman daw ng mga hotel. Nakakahiya din naman umanong makitira sa mga kaibigan o kakilala niya roon. Kaya kung bibigyan daw nga siya ng apartment sa New York at sa London… go!
At bakit naman nga sa new York at London gusto niyang magka-apartment?
“Mahilig kasi akong manood ng Broadway shows. At saka marami akong mga theater friends na do’n na naka-base at do’n na nagtatrabaho. Nami-miss ko sila.”
So, gano’n na kataray ang isang Eugene Domingo. Talagang apartment sa New York at London ang gusto niya, kapalit ng pagpirma for an exclusive contract. Ilang milyon din ang halaga nu’n, huh! Ang mahal! Pero care ng lola n’yo kung may kumagat o wala sa gano’ng kundisyon niya. Happy naman kasi itong si Eugene sa pagi-ging non-exclusive artist.
“Nag-i-enjoy ako na tumatawid sa iba’t ibang channels. Nakakatrabaho ang iba’t ibang mga artista at direktor, at nakakahalubilo ang iba’t ibang mga tao. Gano’n din kasi ako sa totoong buhay. Hindi ako mapakali. Kailangang lumalayas ako.”
Wala naman daw siyang regret bilang isang freelancer. Kahit pa kung tutuusin ay mas malaking TF nga ang makukuha niya kung pipirma siya ng exclusive contract.
“Happy ako kasi sinusunod ko ang puso ko, eh. Hindi lang naman kasi puro pera, eh. Minsan, mas importante kung ano ba talaga ‘yong gusto mo, ano ‘yung interes mo, saan ka mas mapapakinabangan at makakatulong. Most of the time, I am happy that I am making the right decisions.”
Maganda rin naman nga na freelancer siya. Malaya siyang magdesisyon at gawin kung anuman ang gusto niya. And so far, patuloy namang maganda ang takbo ng kanyang career. Mas lalo pa nga siyang nagi-ging in-demand ngayon hindi lang sa telebisyon kundi ma-ging sa pelikula man.
Bukod sa bago niyang programa na isang game show na mapapanood sa TV5, kaliwa’t kanan ang mga tatampukan niyang mainstream movies at maging indie films. This July, she will be starring sa Cine Malaya entry na Ang Babae Sa Septic Tank. And then meron pa siyang Who’s That Girl. She is also doing a movie with Toni Gonzaga na ididirehe ni Joey Reyes. Wala pa itong final title but this will be produced by OctoArts Film and Star Cinema. Sisimulan na rin niya ang Kimmy Dora 2.
Sa dami ng raket ngayon ni Eugene, wala mang kumagat sa kundisyon niyang bigyan siya ng apartment sa New York at London, kakayanin niyang pag-ipunan ang ipambibili nito. Naman!
MARAMI ANG NAGTATANONG, bakit daw hanggang ngayon ay hindi maamin-amin ni Aljur Abrenica ang tungkol sa kanila ni Rich Asuncion? Wala na naman daw ka-loveteam ngayon ang aktor. Solo star na siya sa Machete na kung may kapareha man siya, leading lady lang at hindi talagang screen sweetheart na gaya ni Kris Bernal nang sila pa ang magka-tandem.
Kunsabagay, mukhang kaya pa ring tiisin nitong si Rich kung inililihim pa rin nitong si Aljur ang real score nga sa kanilang dalawa. Umaasa na lang marahil ang dalaga na darating din ang panahong magagawa na ring ilantad ng aktor ang tungkol dito.
Kailan naman kaya mangyayari ‘yon?
Kadalasan kasi sa mga showbiz couple na tago ang relasyon, umaamin lang na naging sila kapag break na. Ganyan!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan