SI RICHARD Gomez ang napi-ling gumanap bilang si Ka Felix Manalo, ang founder ng Iglesia Ni Cristo sa pelikulang Ang Sugo (The Last Messanger). Kasama niya sa cast sina Albert Martinez who will portray the role ng anak ni Ka Felix na si Erano Manalo, habang si Senator Bong Revilla naman bilang si Ka Eduardo Manalo na apo bale ni Ka Felix.
Isang epic film ito na tatampukan din ng iba pang naglalakihang artista. Next year nakatakdang magsimula ang shooting para sa nasabing proyekto. Pero 2014 pa ito naka-takdang ipalabas kasabay ng ika-100 taong pagkakatatag ng INC.
“It’s really a priviledge to be chosen as Ka Felix Manalo,” nangiting sabi ni Richard. “Happy ako at excited na gampanan ‘yong role.”
Anong preparation ang ginagawa niya for the role?
“I’m basing it sa mga documents at records nila, mga pictures, mga voice recordings ni Ka Felix. Tapos tinitingnan ko ‘yong mga video kung ano ba ‘yong mga ginagawa niya. Kung paano ba ‘yong galaw niya at mannerisms. Kailangang may research akong gawin. Extensive research about Ka Felix.
Si Senator Bong, balitang hindi raw naningil ng talent fee sa pagganap nito bilang Ka Eduardo Manalo?
“Ang importante kasi rito ‘yong quality at story ng movie. ‘Yong historical content ng pelikulang ito. Ito ‘yong pinaka-importante sa project na ito. Importante na maipakita kung ano ba ‘yong pinagdaanan ng Iglesia Ni Cristo. Ang nakikita lang kasi natin… kung ano na ang Iglesia Ni Cristo ngayon. Pero marami ang hindi nakakaalam… saan ba nanggaling ang Iglesia Ni Cristo? Paano ba sinimulan ito ni Ka Felix Manalo? Ano ba ang nag-udyok sa kanya para magdala ng mensahe ng Panginoon.
Ang Iglesia Ni Cristo, kilala sa solid o nagkakaisang pagboto. Sa pagtanggap niya ng role as Ka Felix, meron bang napag-usapan tungkol sa politika? Alam naman kasi ng lahat na tatakbo ulit si Lucy bilang congresswoman at si Richard bilang mayor naman ng Ormoc City.
Hindi maiiwasang may mag-isip na baka ang kapalit nito ay ang buong suporta ng Iglesia sa kanya at kay Lucy pagdating ng eleksiyon.
“Alam mo naman, siyempre ‘yang mga ganyang bagay hindi natin maiaalis sa pag-iisip ng ibang tao, eh. Pero ang importante dito is… itong project na ito. Kasi ito ang centennial movie ng Iglesia Ni Cristo, eh. “‘Yong suporta ng Iglesia, hindi namin pinag-uusapan, eh. Ako for my career, it’s going to be important. Malaking movie ito. Maraming manonood na mga tao rito.”
MASAYA SI Justine Ferrer na napiling maging kapalitan ni Bb. Gandanghari to portray the role of Raquel Villasor, a home coming queen married to a wealthy sheik sa dramatic-comedy play na Sayaw Ng Mga SENIORita. Isang mapaghamong papel daw ito para sa kanya.
Bukod kay Justine, pinag-uusapan din ang performance ng gumaganap na tatlong SENIORitas (three senior gays) na sina Joel Lamangan, Soxy Topacio, at Manny Castaneda. Nakaw-eksena din si Arnell Ignacio bilang bikini open producer at mga fresh hunks na gumaganap namang mga contestants dito na sina Chase Cervera, Johnron Tañada, Paul Meteoro, at Royce Chua.
Bukas, Saturday, December 1, ang final performance ng Syaw Ng Mga SENIORita sa AFP Theater at 3:00 at 7:00 PM. For tickets, you may call the ticketnet at 9985622 or you may text 09399087633.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan