LAUGH TRIP kami sa naka-post sa Facebook wall Wednesday after lunch. Heto’t ang bilis talaga ng Pinoy sa lahat.
Kahit anong magtinude ng lindol at delubyo, asahan mo ang mga kababayan natin, magkakapit-bisig at magtutulung-tulong para maka-extend ng tulong sa kapwa nilang nasalanta.
Hindi lang naman itong lindol sa Bohol at ang bagyong Yolanda naasahan natin ang bayanihan sa mga kababayan natin kundi noon pa man.
Basta Pinoy (not PNoy at baka mamali ang basa n’yo at mamalik-mata kayo), mabilis pa sa alas-tres kung kumilos. Para maaliw sa stress at sa pagod, ang bilis din ng Pinoy aliwin ang mga sarili nila para mapangiti kung hindi man matawa.
Viral ngayon ang playtime ng mga netizen (sa Facebook, Instagram at iba’t ibang social media) ang naka-post na visuals nina PNoy, DILG Sec. Mar Roxas at misis nitong si Korina Sanchez na ang peg ay ang beki-seryeng My Husband’s Lover.
Iba ang humor ng mga Pinoy na ang picture habang hawak-hawak ni Ate Koring ang mister na si Mar na nakatayo sa kanyang likuran habang nakaupo siya at si mister ay nakahawak sa balikat ni misis, ang isang kamay ni Sec. Mar naman ay inaabot ang kamay ni PNoy nang palihim.
Interpreting the photo (na alam naman nating pinaglaruan ng mga madidiskarteng mga Pinoy) natawa kami.
Paminsan-minsan dahil sa stress na dala ng buhay, we need to smile. We need to laugh.
Pero ako, noong una napangiti at nang i-analyze ang litrato, humahighik na lang ako ng tawa.
KUMILIOS. TUMUTULONG ang mag-asawang Cogresswoman Lucy Torres at Richard Gomez sa mga survivors sa Ormoc City sa Leyte. No drama in front of the TV camera. No mala-Lara Croft na mga eksena of adventure and survival at malalaman mo na lang ang mag-asawa ay tahimik na kumikilos at gumagawa.
Kung may kakulangan man sa relief operations, sila mismo, in their own capacity, ang hindi nagagawa ng ating gobyerno at mga NGO’s, sila na ang kusa ang gumagawa ng paraan.
Walang reklamo. Walang presscon para mag-kuwento or TV guesting kay Kuya Germs. Ang mahalaga, kumililos, gumagawa sila para sa kanilang mga kababayan.
Sa e-mail correspondence namin ni Goma the other day at kinamusta namin ang sitwasyon ng Ormoc. Sagot niya sa Facebook Account namin: “Matagal-tagal din ang rehabilitation process in a lot of badly hit areas like our district. That is why we are hoping that relief efforts will not stop after a few days. In the coming weeks we will have to start rehabilitating the houses of those who lost their homes. We will have to find means and ways to give these people at least, for the moment, temporary employment until their lives have normalized.”
Isa rin sa kumikilos at ginagamit ang kanilang mga impluwensya (for the better) ay sina Kris Aquino at Boy Abunda.
Kahapon, Thursday at walang aberya, magkasama ang dalawa papuntang Borongan, Eastern Samar para magdala ng tulong sa mga nasalanta.
Kung hindi ako nagkakamali, nakahiram ng eroplano si Kris na from her own pocket ay siya ang magpapa-gasolina ng eroplano para maiparating ang mga tulong na nakalap nila ng mga kaibigan niya at sa tulong na rin ng mga kababayan natin.
Last Tuesday, si Angel Locsin (as always) ay dumating sa repacking of relief goods ng Make Your Nanay Proud (MYNP) Foundation na itinatag ni Kuya Boy na siyempre nasorpresa ang TV host sa pagdating ng aktres para tumulong.
Patunay lang na ang mga taga-showbiz, hindi lang acting sa harap ng kamera pero kumikilos nang tahimik para makapagpaabot ng ayuda sa kanilang kapwa.
SA DARATING na Sunday idaraos ang 27th PMPC Star Awards for Television sa AFP Theater sa Camp Aquinaldo sa Kyusi.
Kabilang sa nominated sa Best Supporting Actor ay ang anak-anakan naming si Arjo Atayde for his stunning performance in Dugong Buhay.
Last year, hinirang na Best New Male TV Personality si Arjo ng PMPC kung saan nanalo rin ang mommy niya na si Sylvia Sanchez sa performance nito sa isang episode sa MMK.
Sa Sunday, Sylvia is also nominated for Best Supporting Actress as Nanay Tessie in the morning serye nina Ser Chief at Maya.
Goodluck sa mag-ina and hoping they take home the bacon.
Reyted K
By RK VillaCorta