NA-PIRATE NGA BA ng Viva-TV5 group si Direk Mark Reyes na identified noon pa sa GMA-7?
Ito ang kumakalat na tsika. Mabuti na lang at mismong si Direk Mark ang nakausap namin sa YesPinoy Foundation event ni Dingdong Dantes sa NBC Tent kamakailan.
Inamin ni Direk Mark na tapos na ang contract niya with GMA-7, kaya pinayagan siyang gawin muna nito ang Bagets TV version ng hit 1980s flick ng Viva, na siyang magpu-produce nito sa Kapatid Network, with new faces ng Viva.
Kasama dito sina Ella Caballero (na Star Factor grand winner ng Singko), Hideaki Torio (ng dating XLR8 boy band group ng Viva), among others.
“My contract with GMA expired na, and so I made paalam naman with the management, kaya tinanggap ko na ang offer ni Boss Vic (del Rosario) to do Ba-gets. Balik na lang daw ako sa GMA after,” say ni Direk Mark.
Matatandaang siya ang naging direktor ng TGIS na produced ng Viva for GMA noong 1990s na siyang nagpasikat sa maraming youngstars at that time like Angelu de Leon, Bobby Andrews, Onemig Bondoc, etc, at nakasama rin ang batch naman ni Dingdong Dantes, Antoinette Taus, etc.
Kung taglay pa rin ni Direk Mark ang kanyang “magic” sa pagdidirek ng youth-oriented show like sa ginawa niyang pagsikat sa TGIS, malalaman natin ‘yan ‘pag pumatok sa audience ang Bagets sa TV5.
BALIK-TELESERYE NAMAN ANG prime actor na si Richard Gomez, still with TV5. Matatandaang huling napanood si Goma sa Sunday noontime show na PO5 sa nasabing istasyon, at ito’y isang variety-game show. Since matagal na ring nasa Singko si Goma, worth it rin namang hanapan at bigyan siya ng teleseryeng babagay sa kanya.
Pasok si Richard sa Nagbabagang Bulaklak teleserye with Ruffa Gutierrez, Valerie Concepcion, and Phillip Salvador.
Good thing at mukhang balik sa “leading man stature” ang isang Richard Gomez sa TV5, unlike noong nasa Kapuso pa siya na supporting roles lang ang nabibigay sa kanya sa mga teleserye, pero bagay rin naman sa kanyang personality and age.
Pero kung tutuusin, tulad nga ng sa Hollywood, the more na nagiging mature ang isang artista, eh dapat mas tumataas ang market value nito o respectability.
Hindi rin biro ang pinagdaanang landas sa career ni Goma through the years at hindi lang naman siya basta naging “starlet” forever, kundi a top leading man in blockbuster and even award winning films, ‘noh!
We should know dahil nakita namin ang pagtutok sa kanya ng first manager niyang si Tito Douglas Quijano upang marating niya ang superstardom.
Nakakatuwa lang ang Facebook status ni Goma tungkol sa dalawa niyang leading ladies na sina Ruffa at Valerie (na parehong hot mamas) — “Pareho silang maganda!” sey nito.
NAG-EXPIRE NA RIN ang management contract ni LJ Reyes sa GMA Artist Center at pinili nitong pumirma ng bagong management contract sa PPL Entertainment ni Perry P. Lansigan.
Naging maganda naman ang pagpapaalam ni LJ not to renew anymore sa GMAAC, kaya pagka-expire nito last month, kinausap na nito si Perry and hayan at kapamilya na si LJ with Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, etc.
Ito ay wala pang one month nang pumirma rin si Wendell Ramos under PPL Entertainment. Malalaman natin kung tuloy na ang pag-lipat ni Wendell sa TV5 after ng ilang taong walang network contract sa GMA-7.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro