Richard Gomez, ‘di na dapat magkontrabida – Chit Ramos

Pinapatnubayan  marahil ng yumaong Douglas Quijano (sa kabilang buhay) si Richard Gomez kung kaya’t mina-manage na siya ngayon ni Wyngard Tracy (at hindi ng unang nabalitang ia-approach niyang maging manager). Tingnan mo, may project na siya agad, ang Family Fued na magbabalik sa GMA-7 very soon at nagkaroon ng bonggang presscon sa Studio 5 ng GMA Network Center kahapon.

Actually, hindi lang si Richard ang nasa kandili na ngayon ni Wyngard, kundi ang misis niyang si Lucy  at tanging anak na si Juliana.

Isang katulad ng Family Fued ang dapat lamang na ibigay kay Richard, lalo’t napanatili niya ang kanyang “Brown Adonis” image, tikas ng tindig at charm na umakit sa “Rose of Ormoc.”

[ad#post-ad-box]

Kung magkakaroon man ng kaunting pagbabago ang format ng show, hinding-hindi mawawala ang portion ng paghalik ni Richard sa contestants, manalo man o matalo. Sapat na karanasan ang madantayan ng labi ni Richard (kahit sa pisngi lang) sa simula at pagtatapos ng show. Sana nga, mag-goodbye na rin siya sa kontrabida roles dahil mag-aalburoto na uli ang kanyang fans at televiewers. Sakali mang hindi maiiwasan, sana’y tulad ng role niya sa pelikulang Nagsimula Sa Puso ang gawin niya.

HINDI NASAYANG ANG gabi ng inyong lingkod na pagbigyan ang imbitasyon ni Dinah Dominguez na pakinggan at hatulan ang launching ng Outa Track album ng KAOS Band sa Top Gear Bar and Resto na nasa kadulu-duluhan pa ng Buendia (katabi ng Bakahan at Manukan) sa Roxas Blvd.

Base sa palakpakan ng paying customers, isang malaking tagumpay ang okasyong iyon. Totoo palang hindi nakukuha sa kaguwapuhan lamang ang ganda ng isang awitin, bagama’t malaking tulong ang itsura. Ang soloistang si Francis “Kiko” Linsangan ang nag-compose ng carrier single nilang “Hiram Na Ngiti” na balitang nagustuhan ng Viva big boss na si  Vic del Rosario, kung kaya’t posibleng doon na rin ito  ipo-produce at ire-release. Ang iba pang members ng banda ay sina Dee Ona, Agi Bautista, Kronik Gonzales, at Olan Bernaldez.

Dating artista si Dinah at dakilang ina ni Champagne Morales na naging Big Winner sa isang Talent search ng Kapuso network. Isa sa premyo ng winner ay recording contract with Viva Records, kung saan co-manager si Dinah nina Boss Vic at anak nitong si Veronique del Rosario.

Magkakaroon din sina Dinah at Champagne ng participation sa Crusade Against White Collar Crimes fund raising concert, ang Stormy Nights with Mario Nieto as chairman. Proceeds will go to the typhoon victims.

Gaganapin ito sa Top Gear on Friday, Oct. 16, at magsisimula ng alas-7 ng gabi.

Marami-rami na rin ang achievements ni Champagne since winning the talent search. She has a cable daily show titled “Champagne Celebrity Home and Business” which is being shown on Viva Cinema Cable Link-Chan. 56, Mondays thru Sundays at 11 A.M and 6 P.M. She interviews celebrities while showing their homes and business offices. She also writes for Spybuz weekly newspaper.

Champagne has just finished taping for  Medical Center directed by Celso Ad. Castillo. She plays the daughter of Gloria Diaz, owner of the hospital. It will be shown in Australia and Chan. 5, Manila. The teleserye also stars Zoren Legazpi, Ara Mina, Soxy Topacio, and Mat Ranillo III.

BULL Chit!
by Chit Ramos

Previous articleRegine Velasquez at Ogie Alcasid, abala sa malaking fund-raising concert – Gorgy’s Park
Next articleAlfred Vargas, dinumog ng bagets na baklita

No posts to display