GANADO RAW si Richard Gomez habang sinu-shoot ang pelikulang Crossroads sa Star Cinema. Balik-tambalan sila rito ni Dawn Zulueta at ka-love triangle nila sa istorya nito si be Alonzo.
“I play a doctor naman sa pelikulang ito. Maganda ‘yong role ko,” aniya nga.
First time niyang makatrabaho si Bea. Ano ang masasabi niya about her?
“Well ano siya… she’s very focused sa ginagawa niya at sa role niya. And napakabait na tao ni Bea. And… ang ganda-ganda niya. Ang ganda niyang titigan. Kapag nagtatrabaho kayo, it feels good na kapag maganda ang katrabaho mo, ang sarap. Ang saya, ‘di ba?” sabay ngiti ulit ni Richard.
May bagong teleserye din siyang ginagawa sa ABS-CBN, ang We’ll Never Say Goodbye na idinidirehe ni Jerry Sineneng. Kasama ulit niya si Dawn Zulueta rito.
“Ipalalabas ito by June. So, malapit na… in two months time.”
Wala bang sawa factor na laging sila ni Dawn ang nagkakasama sa mga projects lately?
“Hindi. Kasi maganda ‘yong script ng mga ginagawa namin, e. So, do’n pa lang talagang challenging na.”
Ano ang masasabi niyang advantage kapag si Dawn ang partner niya?
“Magaling na artista si Dawn, e. So, alam mo sa trabaho natin na pag-aartista, kapag magaling ‘yong kaeksena mo madaling um-acting, e. It makes our job, our work easier.”
Ano ang magiging koneksiyon ng role niya sa mga characters na ginagampanan nina Dawn at Bea?
“Si Dawn is my wife na nagkaroon kami ng problema. Itong Crossroads, this is not a mistress movie. Sa story, darating ang panahon na maghihiwalay kami ni Dawn. And then we will live our own separate lives tapos mami-meet ko si Bea na magiging girlfriend ko eventually.”
Kasali rin sa cast nito sina JC de Vera, Jessy Mendiola, at Assunta de Rossi.
“Asawa ko si Dawn dito. I play a lawyer role. And magkakaroon kami ng conflict dahil ‘yong makakalaban ko sa kaso ay isang senador. Tapos ‘yong anak niya, kikidnapin ang anak ko.”
Sa 2016 election, may plano ba siya?
“Well… si Lucy, siya pa rin ang tatakbo sa amin sa Congress. Wala akong anumang political plan kasi nakaupo pa si Lucy, e. Maghihintay lang ako sa kanya.”
Si Sharon Cuneta ngayong bumalik na ulit sa ABS-CBN, is he open to work with her?
“Yes. Sinabi rin niya na gusto niyang magtrabaho kami pareho. Sabi ko… of course! ‘Di ba hindi natuloy ‘yong sitcom na pagsasamahan sana namin sa TV5? ‘Yong Pirated Family. Siguro dito sa ABS, baka matuloy. Malay natin!” nangiting huling nasabi ni Richard.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan