Richard Gomez, handang ilaban sa korte ang kapakanan ng mga taga-Ormoc!

Mayor Richard Gomez at their Teacher’s Day celebration

TAMA LANG ang ginawa ni Ormoc City Mayor Richard Gomez nang masilip niya ang isang housing project na ginagawa ng National Housing Authority (NHA) para sa mga biktima ng lindol noon na punahin niya.

Ang 16 na housing units sa resettlement site located sa Barangay Gaas sa bayan na pinamumunuan niya ay hindi kumbinsido si Mayor Richard sa standard at tamang paggawa.

Paliwanag ni Mayor Goma: “I am fighting for the safety of the people of Ormoc. Malas lang nila nag-viral,” sabi nito sa kanyang pahayag tungkol sa nag-viral oline na ipinapakikita na pinagagalitan  niya ang ang  mga NFA employees na hinayaan nila ang project contractor na gumamit ng below standard materials sa pahbahay project para sa naging biktima ng lindol.

Handa ang aktor turned public servant na humarap sa korte para isyung ito.

Ormoc City Mayor Richard Gomez and Vice Mayor Toto Locson

Paliwanag ni Mayor Goma: “It’s regrettable that the NHA would refer this issue to the judicial arena, instead of choos­ing to address an issue that is well within the function of their office, and which affects the safety of the houses that they are building for our beneficiaries,” sabi nito.

Dagdag ni Mayor Goma: “Why will they question my concern about substandard equipment being used in the construction? We have the right na makialam dahil kapag natapos na ibibigay natin ‘to sa mga biktima and we want to make sure na ang matatanggap nila ay safe para tirahan, and it is my number one concern,” na tama at may punto ang punong bayan ng lunsod ng Ormoc.

Ormoc City Mayor Richard Gomez and Vice Mayor Toto Locson

 Sa kabila ng kanyang pagaalaga sa kanyang mga constituents at sa maganda at maayos na pamamalakad sa lunsod na kanyang pinamumunuan, on weekends ay nagso-shooting siya para sa pelikulang “Three Words to Forever” with Sharon Cuneta and Kathryn Bernardo mula sa direksyon ng box-office director na si Cathy Garcia- Molina na may target showing na sa November.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleKris Aquino at QC Mayor Herbert Bautista, nagkabalikan na?!
Next articleNORA AUNOR, NAGBAGO NA!

No posts to display