MALAKING USAPAN ngayon sa showbiz ang magiging estado ng career ni Richard Gomez kung sakaling mahalal siya bilang mayor ng City of Ormoc sa 2016; kung sakaling mabigyan ng pagkakataon ang aktor na makapaglingkod sa kanyang mga kababayan. Nag-file officially ng kanyang COC si Goma last October 16, sa huling raw ng filing sa mga interesadong sumali sa May 2016 elections.
Malaking panahon ang ilalaan kasi ni Goma ‘pag nagkataon sa pagsisimula ng kampanya. “‘Yung campaign period naman will be 45 days lang, but ang pag-come out ko talaga as a candidate for mayor sa Ormoc is really a sacrifice sa trabaho ko, sa career ko, and for the family.
“It’s very seldom na ‘yung mga artista ay magkaroon ng second chance or second wind sa career nila. That’s why this is really a very big decision to let go of this success.”
Paniwala ni Goma, “Sacrifices have to be made and somehow, I feel sad dahil alam ko na mababawasan ang magiging trabaho ko rito sa showbiz and at the same time we’ll never know kung ano ang mangyayari sa akin, kung papalarin akong maging mayor ng Ormoc someday, but I’ll make sure na kayo ay pupunta sa amin dun sa Ormoc, at marami tayong gagawin dun.”
Nag-desisyon ang aktor na tumakbo muli at subukan ag pulitika sa kagustuhan niya na makatulong sa mga taga-roon na noon pa man ay nasimulan na niya kahit wala pa siya sa posisyon. Gusto kasi ni Richard na magdala ng pagbabago sa buhay ng mga kababayan niya.
Naniniwala si Goma, “If you really want to bring change sa tao, you really have to be in a position in government. That’s where you can make decisions and changes. As a regular person, you can only do so much.”
Kung sa bagay, subok na rin naman si Goma ng mga taga-Ormoc. Noon pa man, sa kasagsagan ng recovery ng mga nasalanta ng delubyong si Yolanda, makikita mo ang effort ni Goma, kasama ang misis niya na si Congresswoman Lucy Torress ng 4th District ng Leyte kung gaano nila kamahal ang mga taga-Ormoc at ang kinasasakupan ni Congw. Lucy. Sa sarili nilang sikap at mga koneksyon, nag-effort ang mag-asawa na makapangalap ng donasyon para makatulong sa kanilang mga kababayan.
What if kung manalo si Goma as Ormoc City Mayor? Paano ang magiging kahihinatnan ng teleserye nila ni Dawn na magsisimula pa lang sa Kapamilya Network?
Paniguro ni Goma na hindi niya iiwanan ang bagong serye nila ni Dawn, “Kung sakaling manalo ako, dadalhin ko ito dun sa Ormoc. Doon tayo magti-taping,” pabirong pahayag niya.
Nakapanghihinayang din naman kasi na sa muling pagiging aktibo ni Goma sa showiz ay mauudlot na naman gayong halos lahat ng mga teleserye na sinalihan niya at pelikula na sinamahan niya sa muli niyang pagbabalik sa pag-arte after niyang mag-resign as chief of staff ng office ni Congw. Lucy ay mawawala at maglalaho na naman.
Kung puwede namang pagsabayin ang showbiz and politics,why not? Alam ko, ang serbisyo ni Goma sa mga taga-Ormoc noon pa man at ‘pag nagkataon ay mas mgiging maganda, lalo pa na magti-team-up sila ng misis niyang si Congw. Lucy dahil mas magkakatulungan sila na paigihin ang pamumuhay ng mga kababayan nila.
Reyted K
By RK VillaCorta