LUMIPAD NA NOONG Sabado, October 29, bandang alas-tres ng hapon patungong Kuala Lumpur, Malaysia si Richard Gomez para sa gagawing taping ng pinakabago at pinakamala-king game show ng TV5, ang The Biggest Game Show in The World – Asia.
Ang nasabing show ay pa-ngungunahan ng apat sa naglalakihang TV networks sa Asia – ang RCTI ng Indonesia, Kantana ng Thailand, VTC9 ng Vietnam at TV5 naman para sa PIlipinas.
Kaya naman nang makakuwentuhan si Richard sa NAIA 1 bago siya tumulak pa-Malaysia, masaya siya at ipinagmamalaki ang pagkapili sa kanya ng TV5 para maging host ng show. Aniya, “Parang it seems like ako ‘yung magho-host ng show na ‘to (for the Philippine team), kasi iba’t ibang bansa ang maglalaban, eh. For the Team Philippines, meron tayong 30 participants, maglalaban-laban, matira ang matibay.
“For every country meron silang host, so pinagsama-sama nila ang iba’t ibang bansa du’n may kanya-kanya kayong show na ginagawa, inside that game show, labu-labo ‘to, kaya masaya.”
Patuloy pa niya, “Malaki ‘yung set-up du’n, kasinglaki siguro ng Rizal Memorial Complex, sports arena ng Malaysia, gagawin sa Kuala Lumpur.”
Apat na bansa ang maglalaban-laban para sa iisang goal, at kasabay nito, lumipad na rin kahapon via Diosdado Macapagal Airport ang 30 participants ng Pilipinas. Kabilang sa kanila ang isang indie actor, dalawang reality show graduates, iba’t ibang modelo at isang miyembro ng all-male group.
Inusisa na rin namin si Goma kung ano nga ba ang sagot niya sa mga isyung exclusive contract artist na raw siya sa ABS-CBN. Pero paglilinaw niya, “Nasa TV5 pa rin ako, I have The Biggest Game Show, Talentadong Pinoy, but I’m doing a soap sa ABS-CBN. I’m doing a show contract, with ABS-CBN, not a talent contract na exclusive, kasi I can’t sign an exclusive contract with ABS, kasi meron pa akong shows sa TV5.”
Patuloy pa niya, “Wala, I’m doing a soap for ABS, Walang Hanggan, kasama si Dawn Zulueta, hanggang du’n muna.”
Inusisa din namin sa kanya ang pagkakaroon niya ng malalaking show sa dalawang malalaking network, kung paano niya ito hina-handle. Sagot niya, “Hindi naman conflicting ‘yung mga shows. Ah, kinausap ko muna ang management natin dito sa TV5, sabi ko tingnan ko anong plano nila for a drama show, I think nahihirapan sila sa programming sa gabi, so ang schedule nila, matagal pa. So ang sabi ko sa kanila, is it possible if I explore doing a show sa ABS-CBN? Sabi nila, go ahead! Ang bait naman ng TV5, eh. For as long as hindi conflicting ang shows, okay lang.”
MULING IPINAKITA NG 2011 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup ang kanyang famous ‘tsunami’ walk sa fashion show ng Lee, kaugnay pa rin sa Philippine Fashion Week noong nakaraang Biyernes. Pinalakpakan nang husto si Shamcey ng ating mga kababayan nang lumakad na siya sa rampa, at ayon pa kay Shamcey noong nakapanayam na namin siya pagkatapos ng show, ibang-iba raw talaga ito kaysa sa isang beauty pageant.
Aniya, “I was very excited, I think it’s a lot different from a beauty pageant. I don’t know how I feel but I’m so thrilled that the people enjoyed me for what I did.”
Kinakabahan man daw siya, nawala naman daw ito at naging madali na lang dahil nakasuporta sa audience ang kanyang ina na si Marcelina Supsup at ang kanyang boyfriend na si Lloyd Lee. Pag-amin niya, “Mas inspired kaysa kinabahan.”
After Miss Universe, ano na kaya ang mga nabago sa buhay niya? “’Yung schedules naging hectic, and ‘yun nga I said, I cannot go out alone anymore, as much as before, pero nothing big changed. My plans are still the same.”
Kasama kaya sa pagiging busy niya ang mga usap-usapang idadagdag siya eventually as co-host sa kabubukas lang na Pinoy Big Brother Unlimited? “Hindi ko na ‘yun alam, I have no idea, I just heard it on the news.”
Bali-balita ring isasama siya sa noontime show ng ABS-CBN na Happy Yipee Yehey. “Ha?! Hindi ko po alam ‘yun, talaga. Ngayon ko lang po narinig ‘yun. If ever, thank you, thank you. I don’t know yet, parang it’s gonna be everyday eh, I have a lot of other projects din, hindi ko alam kung kaya siyang maisingit kasi I’m not the one doing my schedules.”
Kumakalat naman diumano ang mga isyung pagkatapos daw maging 3rd runner-up si Sham-cey ay nagka-attitude problem na raw ito. Positive namang sinagot ni Shamcey ang tanong at aniya, “Ako anything, I respect their opinion, and I think in time you also need criticisms to be able to… parang, ah okay, this is pala how they see me, so I respect whoever said that and hopefully they get to know me better.”
NAKAKATUWA DAHIL MAY isa kaming nakilala sa Facebook na isang newbie sa showbiz. Napansin ko siya dahil nakikita ko sa mga posts at shout-outs niya ang pagpu-pursiging matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.
At nang makakuwentuhan namin siya thru FB chat, nagmula pala siya sa Iloilo, at nag-iisang anak. Graduate siya ng UP Iloilo at nagpunta ng Maynila upang subukang matupad ang kanyang pangarap na makapasok sa showbiz. Siya ay walang iba kundi si Charles Colin, isang baguhang napapanood na sa ilang palabas ng GMA-7 at GMA News TV 11.
Kami ay natutuwa sa mga baguhang katulad ni Charles na walang ka-ere-ere sa katawan. Nagmula siya sa isang masasabi nating buena familia, pero hindi ito basehan upang hindi siya magbanat ng buto para makaraos sa buhay.
Sana mapansin din si Charles ng mga producer na naghahanap ng mga newbie para sa kanilang mga proyekto. Good luck!
Sure na ‘to
By Arniel Serato