BILIB KAMI sa tambalan ng mag-asawang Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres.
Kahit abala sa kani-kanilang mga gawain, si Goma bilang artista, busy siya ngayon sa sa pagtatapos ng pelikulang The Trial ni Direk Chito Roño at kasama rin siya sa pelikulang pang-Cinemalaya 2014 na The Janitor na pinagbibidahan ni Dennis Trillo. Manlalaro din ang aktor ng volleyball (kung hindi ako nagkakamali ay kasama si Goma sa Philippine Team) at si CW Lucy naman ay patuloy ang trabaho bilang lingkod bayan ng kanyang distrito sa Ormoc sa Leyte.
Habang ang ibang mga pulitiko ay namahinga na sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong si Yolanda (at inasa na lang sa dole outs ng mga kaibigan natin mula sa ibang bansa), si CW Lucy may sariling sikap. Silang mag-asawa ay walang patid ang ginagawang pagtulong until now sa mga taga-Ormoc.
Sa FB account ni Goma, very visible ang mga ginagawa nilang mag-asawa sa pagtulong sa kanilang mga kababayan. Kamakailan, ang personal na kaibigan nina Goma at CW Lucy na si Liza Gokongwei (of Summit Media) ay nag-donate ng 10 fiberglass boats, na sa pamamagitan ng personal network at connections ng mag-asawa, nagawan nila ng paraan na magkaroon ng donasyon ang isa sa mga mayayamang Chinese-Pinoy business icon natin sa bansa.
Maging ang organisasyon na Taiwan Association in the Philippines ay nagawan ng paraang ng mag-asawa na mai-connect ang tulong nila ng 2,000 sacks of rice para sa distrito ni CW Lucy. Kita mo ang sinseridad nilang makatulong sa kanilang nasasakupan which for us is a nice gesture.
Last Monday, matapos naming mapanood ang She’s Dating The Gangster na pinagbibidahan ng hottest loveteam ngayon na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung saan may mahalagang role si Goma sa pelikula as Kenji (ang totoong gangster noong kabataan niya sa kuwento ng pelikula) na ama ni Kenneth played by Daniel; on our way home, sabi ng guard ng Fisher Mall, may shooting daw sa tapat (Quezon Ave. side) si Richard.
Kahit hirap kami sa paglalakad with our cane sa right hand to support our left leg pababa sa ramp ng mall patungong street level ng Quezon Ave., we made our way sa kinaroroonan ng shooting.
Habang nag-iilaw at inaayos ang kamera na isinabit sa sasakyan kung saan ang eksena na kukunan ay nagmamaneho si Goma, tsumika kami sandali sa aktor at nangumusta at nagpasalamat nang personal sa kanya habang nakatayo kami sa tabing gutter ng kalsada at hindi na lumapit sa kinaroroonan ng sasakyan kung saan nasa loob siya.
Nangumusta siya sa kalagayan namin (isa siya sa mga kaibigang artista na tumulong sa akin noong naaksidente ako last April 25 at nagpa-opera noong May 3).
Sa mensahe niya sa amin sa Facebook after posting our biglaang encounter with him sa shooting niya: “Natuwa naman ako nang makita kita kanina dahil nakakalakad ka na. lagi kang mag iingat at mag therapy ka ng mabuti para maka lamierda ka na ulit. marami kang nami miss na presscon at chikahan!”
Salamat Goms. Andito lang ako as always para sa inyo ni CW Lucy.
KAWAWA NAMAN ang mga talent ng GMA Network na diumano walang nag-offer sa kanila na mag-renew ng kontrata as artists ng Kapuso Network. Sina JR at Kyla tila lumulutang at ‘di alam kung saan aanurin.
Si Richard Gutierrez, balita namin ay pipirma sa Kapamilya Network. Pero I doubt kung saan siya isasaksak gayong ang dami niyang makakalaban as lead actor (I’m sure ayaw niyang mag-kontrabida) na aminin man niya o hindi ay wala siyang box-office appeal kung ikukumpara sa iba, at hindi siya marunong umarte kahit ilang beses na siya nabigyan ng lead role sa telebisyon at pelikula.
Tuloy biruan ng mga malditang reporters, Richard must undergo rigid acting workshop kung gusto man niyang pasukin ang balwarte ng mga aktor sa liga ng mga Piolo Pascual, John Llyod Cruz, Coco Martin, Jake Cuenca, Paulo Avelino, Gerald Anderson, at ang mga baguhan na sina Arjo Atayde at Sam Concepcion.
Reyted K
By RK VillaCorta