NAKAMI-MISS si Richard Gomez na mula nang maupo siya para maglingkod bilang mayor ng Lungsod ng Ormoc sa Leyte, hindi na namin siya nakikita sa telebisyon o gumawa man lang ng pelikula.
Busy na kasi si Goma sa paglilingkod sa kanyang constituents. Ito kasi ang priority ng bagong public servant.
Sa kanyang social media account, palagi kong nababasa at nakikita na lang ang pictures ng activities niya on a daily basis sa Ormoc, na kung minsan ay sinasamahan ng Facebook Live ang meetings niya with his staffs.
I remember noong early years niya sa showbiz na ang pagiging straight forward niya at hindi showbiz na ugali ay maiimbiyerna ka sa pagiging prangka ng aktor.
Isa siya sa mga artista noon and until now (more than 30 years na nga ba ‘yun, Goms?) na misunderstood pa rin hanggang ngayon.
He is not your typical showbiz personality na pakikisamahan ka dahil kailangan. Hindi rin siya ‘yong tao na dali-dali mong magugustuhan kung ang hanap mo ay all-praises lang ang mumutawi sa kanyang bibig.
Black and white, ‘ika nga, ang deskripsyon ko sa aktor. Diretso. Walang paliguy-ligoy. What you see is what you get.
The last time ko yata siyang nakita in person was during the major presscon ng movie nila na “The Trial” with John Lloyd Cruz, Sylvia Sanchez, at Gretchen Barretto.
Sa TV interview sa kanya bago ang main presscon noong tanghaling ‘yun, tinawag niya ako na pakuha na raw kami ng picture kasama siya para ma-post ko sa social media accounts ko na tinawag ko na “Me and My (name of celebrity)” na napansin niya marahil na palagi kong ginagawa kapag may pagkakataon na makapagpakuha ako ng picture with an artista o celebrity.
Recently, nagkaroon ako ng time na maka-PM si Goma. Gabi na ‘yun na nasa mood ang aktor para makipag-tsimisan sa amin on FB.
Kuwento niya na Ormoc-based na siya since maupo siya as mayor (or even before).
Kumusta si Ormoc City Mayor Richard Gomez? “‘Eto maraming ginagawa sa Ormoc. Daming inaayos. Dito ako on weekdays and uwi ko (sa Manila) on weekends. Bisita kayo ‘dito sa amin (Ormoc),” imbitasyon niya.
Sabi ko, hinahanap na siya ng showbiz. Kailan ba siya babalik para umarte muli? “P’wede naman siguro basta weekends lang ang show or taping. Full-time public servant kasi ako, tapos province pa ang location ko, mahirap. Unlike si Joey M (Marquez na dating mayor), sa Parañaque lang, kaya p’wedeng-p’wedeng mag-taping or shooting,” sabi ni Goma sa chat namin.
Buhay-probinsiya na siya sa Ormoc since he decided na maglingkod-bayan sa mga kinasasakupan niya.
Adjusted na rin siya sa provincial lifestyle ng lungsod niya. He wakes up at 6:00 in the morning. Breakfast at 7:00, then off to office by 8:00 a.m. Ang tulog naman niya ay usually 8:00 in the evening.
“Wala naman ang family ko rito (Ormoc). Ako lang mag-isa. Si Lucy (Torres), based sa Manila dahil ang trabaho sa Congress, kaya back to basic,” kuwento pa ni Mayor Richard sa buhay niya sa Ormoc.
Nasanay na rin siya sa simple living niya sa probinsiya. “Madali lang ang buhay rito. Masarap ang hangin, kasi malinis. Pati mga gulay, fresh lahat,” sabi ng aktor sa kanyang mensahe sa amin.
Daming naghahanap kay Goma. Marami ang nagtatanong kung kumusta na rin siya.
“It is really a sacrifice being a mayor, pero pinili ko itong mangyari. I’m doing what I can do to turn around Ormoc to be progressive and orderly. Kapag na-achieve ko ‘yan, balik-showbiz na ako.
“I miss the people I work with, the fans, the work skeds and my family who lives there (Manila).”
Si Goma, ang idol ng marami ay proud na ipagmalaki na may second dialect na rin siyang nakasanayan. Fluent na rin siya sa lengguwaheng Bisaya na widely spoken sa Ormoc.
“Sometimes fluent na rin. Hahaha…” sagot niya sa tanong namin sa kanya sa FB Messenger.
Today, April 7, is a special day sa “Idol ng Lungsod ng Ormoc”. Birthday kasi ni Goma ngayong araw. Happy birthday, Goms! See you in Ormoc very soon!