KAPAG MATINO ang isang peikula, asahan mo gagawa ako ng paraan para mapanood ito sa unang araw ng showing.
Last Wednesday, matrapik ang halos buong Kamaynilaan dahil sa biglaang buhos ng ulan. Kaya blessing in disguise na kaysa maipit sa trapik papunta sa rehab ko sa Lourdes Hospital sa Sta. Mesa, kung saan naipit na ang sinasakyan kong taxi sa trapik at baha sa kalagitnaan ng Araneta Ave. lampas ng isang punenarya, I decided na tumambay na lang muna sa mall para abangan ang 7:30 pm screening ng The Love Affair.
I waited for almost 3 hours before the screening time pero sulit naman pala ang waiting ko. Puno ang Cinema 2 ng Fisher Mall. Mostly, mga girls edad 21 and above ang market ng movie nina Richard Gomez, Bea Alonzo, at Dawn Zulueta.
Ganda ng movie na dapat panoorin ng bawat mag-asawa na may problema sa kanilang pagsasama o mga dalaga na naghahanap ng magmamahal sa kanya.
Ang ganda ng pagsalansan ng karakter nina Goma, Bea, at Dawn. Ang gagaling nila sa kani-kanilang mga karakter na sa kabuunan ng pelikula. Dahil sa maganda ang istorya at ang gagaling ng mga artistang nagsipagganap, lalong umigi ang obra ni Nuel Naval.
That night, paglabas ko ng sinehan, tinext ko si Goma and told him na ang ganda ng movie nilang tatlo. I congratulated him. That evening, katatapos lang ng private screening ng movie nila sa Rockwell na dinaluhan ng aktor kasama ang misis na si Congresswoman Lucy Torres.
Text back sa amin ni Goma: “Thank you. Ang sabi ng ticket seller nu’ng tanungin ko siya about today’s ticket sales, ang sabi ay puno lahat ng screening nila,” mensahe ng aktor sa amin.
Sa totoo lang, ang galing ni Goma sa kanyang role as Vince na asawa ni Dawn na pumasok sa buhay ni Bea sa mga kadahilanang matutunghayan ninyo kapag pinanood ninyo ang movie.
Magagaling ang tatlong bida. ‘Pag nagkataon, panlaban ni Goma ang role niya sa pagka-best actor sa award season sa 2016.
Reyted K
By RK VillaCorta