NOON PA mang binata si Richard Gomez, wise na ang aktor. May mga investments na siya sa sarili para sa kinabukasan niya na hindi nagagawa or wala sa mga artistang kasabayan niya.
Kaya nga masasabi na waging-wagi si Richard Gomez sa kanyang art collections na nakatago sa kanyang private sanctuary sa haybols nito sa North Forbes sa Makati.
Ayon sa kuwento ng kaibigang Ces Evangeista na isinulat niya sa kanyang Facebook account (isa sa mga invited sa intimate dinner celebration para sa 17th wedding anniversary ng mag-asawang Goma at misis niyang si Congresswoman Lucy Torres); nagkaroon siya ng private tour sa bahay ni Goma para ipagmalaki ng aktor ang mga naipong koleksyon na mga world reknown artworks ng mga sikat at de-kalibreng mga artists.
Ang adjective nga na ginamit ni Ces matapos makita ang mga koleksyon ng aktor ay “exquisite” na ang interpretasyon ay piling-pili at hindi basta-basta kung saan, kabilang ang dalawang Pablo Picasso watercolor pieces measuring 8 inches by 10 inches na million dollars ang market value ng bawat isa.
Kabilang sa mga nasa koleksyon ni Goma ay ang gawa ng kilalang si Marc Chagall na nabili ng aktor sa isang auction overseas bukod pa sa artwork ng King of Pop Art na si Andy Warhol (naalala n’yo ba ang iba’t ibang de-kulay na portrait ni Mona Lisa, Mickey Mouse, ang lata ng Campbell’s Soup, at ang pamosong si Marlyn Monroe at marami pang iba?); at ang isang piyesa ng isang social activist artist na si K (Keith) Haring.
Bukod sa mga international at kilalang artists, nasa koleksyon din ni Goma ang mga gawa ng mga Filipino painters natin. Noon pa man, may ilang mga pag-aari na si Goma na mga painting na na malamang sa hindi, malaki ang impluwensiya ng namayapa niyang manager na si Tito Dougs (Douglas Quijano) sa kanya. Naalala ko pa noon, dahil nagkokolekta rin kami ng mga tribal artifacts noon in the 80’s, kapag bumibiyahe si Tito Dougs noon sa kahit sulok ng mundo may mga pasalubong siya sa amin.
Until now, nasa pangangalaga ko pa rin ang authentic antique Mandaya Tribe ceremonial drum na regalo niya sa akin. Nasa akin pa rin at nakatago sa baul ko ang isang original na Yakan (the tribe from Basilan in Southern Mindanao) trouser ng mga Yakan warriors na minsang isinuot ko sa isang awards night ng PMPC Star Awards na ginanap sa CCP noon habang nakayapak na tumayo sa gitna ng entablado ng Cultural Center of the Philippines.
One time, nang mag-CR ako sa haybols ni Goma noon sa Horse Drive (in Quezn City at binata pa yata siya noon), laking gulat ko pagpasok ko sa CR at ang oil painting ng isang sikat na Pinoy artist ay nakasabit sa loob ng palikuran kasama ang ilang mga maliliit na mga sketches ng mga local artists natin.
Kung hindi ako nagkakamali, sa mga bagong liga ng mga showbiz stars natin na nagko-collect na rin ng art para sa kanilang investments and sa kanilang passion na rin na masasabi ay kabilang sina John Lloyd Cruz at KC Concepcion.
Reyted K
By RK VillaCorta