SAYANG AT nag-resign na si Richard Gomez sa kanyang trabaho kay Rep. Lucy Torres-Gomez bilang Chief of Staff.
Mula kasi na nang maupo bilang lingkod-bayan ng 4th District ng Leyte si Rep. Lucy, halos inilaan na ni Goma ang panahon na makasama ang asawa sa paglilingkod-bayan nito.
Sa katunayan, nakapanghihinayang na hindi napagbigyan si Richard Gomez na makapaglingkod siya bilang Punong Bayan ng Lungsod ng Ormoc sa Leyte nang magtangka siya tumakbo last election. Kaya the best option para matupad ang kagustuhan na makapag-serbisyo sa kababayan, mas pinili niya na maging Chief of Staff ng misis niya at iwanan sandali ang showbiz.
Ilang panahon din na hindi napapanood sa telebisyon o pelikula si Goma dahil sa kaabalahan niya sa kanyang trabaho at advocacy para makatulong sa kanilang kababayan. Kung may balita man kay Goma, kadalasan ang mga public service nila ng misis niya lalo na noong panahon ng kasagsagan ng bagyong Yolanda last year ang nakararating sa followers niya.
Hindi man showbiz ang mga aktibidades, sa kanilang mga Facebook, Instagram at Twitter Account nasusundan ang mga gawain ng aktor kung saan katuwang siya ni Rep. Lucy.
Sa katunayan, kahapon (Thursday), sakay ng isang private jet kasama ni Mr. Ben Chan ng Bench, bumisita si Goma sa Ormoc para sa boat giving na donasyon ng kaibigang Mr. Chan at ng kompanya nito tulad din sa donasyon kamakailan ng personal nilang kaibigan na si Liza Gokongwei na nag-donate ng 10 banngka para sa mga mangingisda ng Ormoc.
One nice thing about Richard and Rep. Lucy, kung ang ibang mga politician ay umaasa lang sa donasyon na ibibigay sa kanila, ang mag-asawa, kusa na tina-trabaho ang mga personal na mga kaibigan at network para manghingi ng ayuda sa mga proyekto ng distrito para sa ikabubuti ng sitwasyon ng mga taga-distrito ni Rep. Lucy.
Pero iba talaga ang hatak ng showbiz para kay Richard. Kamakailan, napanood namin siya sa She’s Dating The Gangster. Akala ko nga supporting role lang ang ginagampanan niya as Kenji (bilang ama ni Daniel Padilla), pero kamuka’t mukat mo importante pala ang role ni Goma kung saan sa kuwento ng pag-ibig niya sa dalawang Athena sa buhay niya umikot ang kuwento.
Dahil iba ang hatak ng showbiz, hindi na pinakawalan ng Star Cinema ang aktor na sinundan naman ng panibagong proyekto under Direk Chito Roño para sa pelikulang The Trial (working title pa lang yata ito), kung saan makikipagtagisan siya ng galing with John Llyod Cruz, Gretchen Barretto at Sylvia Sanchez.
Bukod dito, ang alam ko, may teleserye siya sa Kapamilya Network at sa darating na Sunday naman ay sisimulan ang bagong game show niya sa TV5 ang Quite Please! Bawal ang Maingay kung saan co-host niya si K Brosas.
Sa Cinemalaya X entry na The Janitor, he played the role of a good cop kung saan last Monday naman ay dumalo sila ng misis niyang si Rep. Lucy sa Gala Night ng pelikula.
Reyted K
By RK VillaCorta