ANG FEELING ni Richard Gomez ay hindi dapat nag-sorry sina Ben Chan at Coco Martin sa nangyaring kontrobersiya sa Naked Truth event a few weeks ago.
“Dapat ‘di siya (Coco) nag-sorry, walang dapat mag-sorry. Maraming ibang bagay na dapat bigyan ng focus. Ito (“Naked Truth”) ini-entertain nila tayo,” sabi ni Richard sa presscon ng The Janitor.
Nang matanong kung gagawin niya ang ginawa ni Coco, mabilis na “gagawin ko rin” ang naging sagot ng actor.
Ang feeling niya ay isa lamang “show” ang Naked Truth.
“Wala namang totoo do’n kundi ‘yung mga taong naglalakad. Lahat ito ay kathang-isip lang.
Ang feeling ni Goma ay “maraming nakikisawsaw na partylist dito.”
“Alam nating malapit na ang eleksyon. So, ‘yung mga party-list groups, sila ‘yung nag-iingay, naghahanap ng issue. Gano’n lang kasimple ‘yon. Maraming nakikisawsaw, ‘di lang ang Gabriela, marami. Sana ‘wag na nating palakihin ito. Let’s move on.”
Bilang punto, tanong niya, “Eh, paano kung lalaki ‘yung tinali natin, meron bang rightist group para sa lalaki? Wala, ‘di ba?”
“It was just a show, it’s a circus, it’s a movie,” pagdidiin niya. “Sana ito na ang magiging end ng issue. Bench is a good brand. Bench has helped a lot of people. Bench is one of the biggest in the fashion industry. Bench is doing this for us.”
Aniya, mas dapat bigyan ng pansin ang mga corrupt na pulis na tampok sa The Janitor. “Bakit hindi nila ito bigyan ng pansin. Buhay ang pinapatay rito (sa movie), bakit ‘di nila ito pagtuunan ng pansin?”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas