NAKASISIGURO ANG host ng newest game show ng TV5 na Quiet Please! Bawal Ang Mag-ingay! na magsisimulang mapanood sa Linggo, simula August 10 ng 8pm na wala siyang anak sa labas.
Tsika nga ni Richard Gomez, “Naku, hindi! Nag-backtrack na ako. Wala, e.”
Pero if ever naman daw na may lumapit sa kanya at sabihing anak niya, wala naman daw problema ito kay Richard at tatanggapin niya.
“Kung meron, tatanggapin ko. Kasi ngayon, madali na, e. Papa-DNA [test] mo lang.”
Kuwento pa nito, “Actually, may friend ako, nasa isang engagement siya, lumapit talaga yung ano [anak], teenager na ‘yung babae. Sabi nu’ng teenager, ‘Sabi po ng mommy ko, kayo po ‘yung tatay ko.’ Sabi niya,‘Ganun ba? Sige, walang problema.’ Ipina-DNA niya [Richard’s friend]. Kaya nga, ganu’n na kadali [i-verify].”
Kaso malabo nga raw mangyari dahil kung meron daw ay matagal na itong lumabas at nagpakilala sa kanya.
Ibinahagi rin ni Richard kung gaano siya ka-excited sa kanyang new hosting job sa TV5. “I enjoy game shows. Medyo metikuloso ako pagdating sa game shows.”
Tsika pa nito, “Ang hirap! Hindi lahat nagagawa ko. Kasi may time pressure. Katulad kanina, may Tupperware na puno ng kutsara at tinidor, tapos ‘yung tasa nasa ilalim [ng utensils]. Ang challenge, tatanggalin mo ‘yung tasa sa ilalim ng kutsara at tinidor [as silently as possible]. Siguro magagawa mo isa o dalawa. E, tatlong beses? Tapos 45 seconds lang. Kailangang mabilis. Medyo mahirap. May nerbiyos factor pa,” excited na pagkukuwento ni Richard.
MAGANDA ANG nais iparating ni Direk Jun Urbano sa paggawa niya ng pelikulang Ibong Adarna na mapapanood na sa mga sinehan sa Aug. 10.
Ayon kay Direk Jun, “Ginawa namin ang Ibong Adarna para ma-remind ang kabataan tungkol sa Ibong Adarna at kung gaano kaganda ang istorya ng Ibong Adarna. Hindi namin ginawa ang Ibong Adarna para kumita nang malaki, para sa amin, kumita lang nang kaunti, okey na. Pero if kikita nang mas malaki, mas maganda. Kkasi may kasunod na pelikulang puwede kaming gawin ulit.”
Bukod sa Ibong Adarna, marami pa raw na pelikula na sumasailalim sa Kulturang Pilipino ang gustong gawin ni Direk Jun katulad ng Rajah Soliman at Juan Tamad at mangyayari lang daw ito kapag kumita kahit papano ang Ibong Adarna.
Suportado ng National Press Club ( NPC ) ang pagpapalabas ng Ibong Adarna na ipapalalas sa mga sinehan sa August 10 . Bukod kay Rocco Nacino, kasama rin sa cast ng Ibong Adarna ang mga award-winning actor na sina Angel Aquino, Joel Torre, Leo Martinez, Lilia Cuntapay, at Ronnie Lazaro; at sina Gary Lising, Karen Gallman, Kohol, Benjie Paras, at Pat Fernandez mula sa produksiyon ng Gurion Entertainment.
John’s Point
by John Fontanilla