BONGGA at wagi na naman si Ormoc City Mayor Richard Gomez at sold-out ang 16 art works ni Mayor Goma sa recent opening ng art exhibit niya with two visual artists last Sunday, September 23 held at the Pinto Gallery in Antipolo.
In his recent exhibit niya dubbed “When Evening Comes,” sold -out angt mga art works na ang price ay nagre-range starting from P150K to P200K ayon sa information na ipinarating sa amin ng ng writer-blogger na si Jerry Olea na dumalo sa event.
Bilib din kami kay Mayor Goma kung papaano niya naasikaso ang kanyang mga gawain at panahon na syempre, first priority niya ay ang pagiging punong bayan ng Ormoc at pagsagot sa mga pangangailangan ng kanyang mga constituents; as visual artist, bilang artista sa pagbabalik showbiz niya via “Three Words to Forever” with Sharon Cuneta and syempre, ang paging family man niya with wife Rep. Lucy Torres and daughter Juliana Gomez.
Based on his official Facebook account, halos araw-araw ang mga ganap at gawa ni Mayor Goma para mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan.
Congratulations Goms sa success ng art exhibit mo.
Reyted K
By RK Villacorta