NAKU, ‘DAY! Puwede na talaga ako mag-ahente ng mga gustong magpa-stem cell. Ang dami nang nagpapatulong sa akin kung paano makakuha ng murang package ng pagpapa-stem cell therapy sa Germany.
Siyempre ang dami ko nang natsika na may connect doon kaya malamang babalik kami uli roon ni Lorna Tolentino para magpaturok uli. Ang dami na naming masasabayan na grupo na baka ang ending makalibre na kami niyan.
Gusto kasi ni Lorna, magpa-stem cell doon sa susunod na taon para magamot ‘yung iba pa niyang mga sakit sakit sa katawan.
In fairness naman kasi kay Lorna, ang laki nang ipinayat niya at naramdaman daw niyang nawala na ‘yung mga sakit niya sa balakang at lumakas talaga ang resistensya niya.
Ang isa ko pang napansin sa kanya, hindi na siya nagsusungit at wala na akong naririnig na reklamo na nahihirapan siya sa taping. Kaya dapat talagang masundan na siya ng isa pang stem cell.
Naka-schedule na rin ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez na pumuntang Germany para magpa-stem cell doon. Dapat nga ay aalis na sila ng first week of September, pero na-move ito ng October dahil may iba na silang doktor na kinausap doon na gagawa sa kanila.
Heto na, ‘day! Sasama raw si Richard Gutierrez kasi siya ang sasagot sa pambayad sa Mommy niya, eh. Kaya pala interesado siyang sumama dahil naka-schedule namang magbakasyon ng Switzerland si Sarah Lahbati. Nandu’n ang Daddy niya at mga kapatid kaya gusto niyang dalawin doon at mag-ikot na rin sa Europe. Malamang magkikita sila ni Richard doon.
Sabi naman ni Sarah, hindi siya sure kung magkikita sila roon, dahil depende raw sa schedule nila. Siyempre hindi naman nila ikikuwento ‘yan dahil hindi pa rin talaga sila open sa relasyon nila.
Si Richard nga, medyo umiiwas pa sa mga interview dahil ayaw na niyang pag-usapan pa ‘yun. Mas gusto niyang tahimik lang at hindi na kailangang ikuwento kahit kanino.
Natutuwa naman si Sarah dahil parang tanggap na tanggap siya ng pamilya lalo na si Annabelle na boto sa dalaga.
Ngayon nga ay may pelikula pa sila sa Regal Films na The Affair na ididirek ni Peque Gallaga. Aaamin na kaya sila sa promo ng pelikulang ito?
EXCITED NA ang mga kabadingan sa nalalapit na Underwear at Denim Fashion Show ng Bench na bale celebration ng kanilang 25th anniversary. Dalawang gabi ang show nila na naka-schedule sa September 13 at 14 na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.
Pinaghahandaan na rin ito ng mga celebrity endorsers ng Bench lalo na ang mga bagong endorser nila. Ang isa sa aabangan n’yo ay si Jennylyn Mercado na bagong endorser ng Bench Body. Kaya rarampa siyang naka-panty at bra lang.
In fairness naman kay Jennylyn, ang laki nang iginanda niya at lalo siyang sumeksi kaya may karapatan talagang rumampang naka-underwear. Tiyak na proud diyan si Luis Manzano na malamang nandun ‘yan para suportahan ang girlfriend niya.
Ang isa pa palang rarampa rin ay si Manny Pacquiao dahil may endorsement din itong cologne ng Bench. Ang alam ko, kasama niya riyan si Jinkee, pero hindi ko lang sure kung kasama rin siyang rarampa.
NGAYONG ARAW na pala magsisimula ang bagong fantaserye ng GMA-7 na Aso ni San Roque.
Type ko ito, kasi parang ang ganda ng kuwento lalo na’t gustung-gusto ko kasi ang mga aso, at nakatutuwa rito ang bidang aso na si Princess.
Nakaaaliw rin ang batang si Mona Louise Rey na naloka ako nang nalaman kong napakabata pa niyang diabetic.
Ikinuwento nga niya sa aming sanay na sanay na siyang maggamot ng sarili niya. Siya mismo raw ang nag-i-inject ng Insulin sa sarili niya. Pero mukhang okay naman ngayon si Mona Louise, kaya sana malagpasan naman niya ito dahil napakabata pa niya at napakaganda.
Abangan n’yo na lang siya rito sa Aso ni San Roque pagkatapos ng 24 Oras .
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis