Richard Gutierrez, ‘di bagay mag-host sa reality show?!

THE NOMINEES FOR the next Survivor Philippines host are: Dingdong Dantes, Marc Nelson, Paolo Abrera and Richard Gutierrez. And the winner is…

Kung hindi ako nagkakamali, last Friday nu’ng pinal nang dinesisyunan ng GMA Management kung sino na ang magho-host ng susunod na Survivor Philippines in a still undetermined foreign land. And the final choice is: Richard Gutierrez!

How Richard will be able to juggle his schedule (and barbel) given his Captain Barbell sequel and his SP hosting ay isang milagrong maituturing beyond the test of his stamina.

With Richard finally getting the part, parang may naririnig lang akong ‘di masyadong kaaya-ayang comment from an SP staff, but I’ll leave it at that.

“BEREFT OF RESOURCES.” Ito ang phrase na ginamit ni Quezon City mayoral bet na si Mike Defensor patungkol sa kanyang runningmate na si Aiko Melendez, kaya hindi raw totoong hindi niya ito tinutulungan.

Ang isyung kawalan ni Mike ng suporta kay Aiko is yet another ploy of their opponents to cause disunity within the party. Lalayo pa raw ba tayo, eh, kung ‘yun daw ngang mga tarpaulin nilang dalawa, isa hanggang tatlong araw lang nakabalandra sa mga lansangan, pagkatapos ay binabaklas na?

But Mike remained unfazed. Nanindigan siya that within his formidable partnership with Aiko ay maisasakatuparan niya ang ipinagmamalaking three cornerstone programs sa siyudad. These include medical card for every resident with an allocated budget of P500 million, same amount will be earmarked for scholarship applying to about 60 colleges and universities at ganoon ding halaga para sa mga benepisyong ipagkakaloob sa mga senior citizens (including free movie watch, allowances and small birthday treats).

Sa ngayon, Mike’s ratings are stepping up the survey ladder, hindi pa man opisyal na nagsisimula ang local campaign on March 26.

ONCE A FAN, always a fan.

Ito, si Mother Lily hindi pa man pumapalaot sa negosyo ng pagpoprodyus ng pelikula. Ober da bakod of a film studio, she would crane her neck just to catch a glimpse of her starry idols. Years later, those stars bowed down to her.

Sa sobra ngang paghanga ni Mother Lily kay Vilma Santos, not only has she engaged the latter’s acting services in many Regal movies. Her admiration for ate Vi goes beyond her thespic brilliance, maging bilang isang mahusay na public servant ay palakpak-tenga ang produ.

At a dinner she hosted for Ate Vi and hubby Ralph Recto in her Imperial Palace, Mother Lily “registered” herself as one of them, a Batangueña. Sa katunayan, magtatayo si Mother Lily ng Imperial Palace Resort Hotel sa Taal, Batangas driven by her strong confidence in the way Ate Vi has cast a magic spell on the province.

Fairy godmother and Mother Lily… bow!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleParazzi Chikka: Gerald Anderson, ayaw na kay Kim Chiu?!
Next articleHulicam: Heart Evangelista, inirampa ang bagong BF?!

No posts to display