SECOND WEEK na noong Sunday! Dios Mio Por Santo. Kung sino man ang may pakana ng show na ito, maawa ka naman sa mga artista n’yo.Pagpahingahin n’yo na muna sa araw ng Linggo (tulad ng sabi ni Lord) ang mga ito at wala namang kinapupuntahan ang palabas. Paghaluin ba naman ang That’s Entertainment ng (80’s) ni Kuya Germs at ang larong charade. Next week, gusto kong ma-incorporate ang larong “Bring Me” at “The Boat is Sinking” or “Trip to Jerusalem”.
Kaloka ka Lilybeth Rasonable at nakalulusot sa standard mo ang mga ganitong konsepto. Mabuti na lang, libre ang panonood ng telebisyon. Nabaliw ako!
Sa Sunday kaya, araw ng pahinga ko, baka mabaliw na naman ako, hindi kaya?
KINUMPIRMA NA mismo ni Richard Gutierrez na hindi na siya pumirma ng kontrata sa GMA 7 as one of their stars.
Nag-expire ang contract niya last May 28 na after 11 years, happy raw siya sa naging karanasan niya sa Kapuso Network.
Ipinahayag niya na freelancer na siya ngayon pagdating sa mga trabaho pang-telebisyon, but still ay naka-kontrata pa rin siya sa GMA Films.
Ngayon na mas libre na ang time niya, totoo pala na may plano siya mag-aral ng directing.
Pero how can a ham actor like him be an effective director, lalo pa’t never namang napatunayan ni Richard na magaling siyang actor? Kung ikaw na isang magaling na artista kaysa sa kanya, papayag ka ba na magpa-direct sa kanya?
Unsolicited advise, sa tingin ko mag-repackage si Richard. Magtago muna sa press at magpaganda ng katawan at magpaka-brusko na para sa muling pagbabalik-showbiz niya, mas may interest ang publiko sa kanya.
Sa totoo lang, ang mukha ni Richard marahil ang isa sa pinakaguwapo sa showbiz, pero kung katawan din lang ang pagbabasehan, waley. Tawag ng mga beki, machong hangin.
Now na wala na siya sa Kapuso Network, saan patutungo si Richard? Keri kaya niyang makipagsabayan sa Kapamilya Network na magagaling umarte ang mga artista from the likes of Piolo Pascual, Diether Ocampo, Jericho Rosales, etc?
MULA NANG mag-out si Charice Pempengco, mas marami ang tumanggap sa kanya.
Sa recent LGBT party hosted by US Ambassador Harry Tomas sa bahay nito sa North Forbes last Wednesday, June 26, dumalo ang singer kasama ang girlfriend na si Alyssa Quijano.
Puna ng marami, relaxed na relaxed si Charice at ang girlfriend nang dumalo. Magka-holding hands at sweet sa isa’t isa. Na-enjoy nila ang dinner-party in celebration of LGBT Pride Month (June).
Sa komunidad ng mga LGBT, tanggap namin at hindi isyu kung babae ka na may girlfriend o lalaki ka man na may boyfriend. Lahat pantay-pantay. Lahat may karapatang magmahal.
Ang mahalaga, ang respeto na ibinibigay mo sa iyong kapwa, lalo na sa ka-partner mo.
Kaya nga si Amb. Tomas, love ng LGBT community dahil sa pagpapahalaga niya sa LGBT concerns.
Reyted K
By RK VillaCorta