After almost two years of absence, I’m sure ang mga fans ng Pantaserye King na si Richard Gutierrez ay inaabangan na ang muling pagpapaparamdam niya sa primetime TV via Carlo J. Caparas’ “Ang Panday” na magsisimula na sa darating na Monday, February 29.
Sa advance screening ng pantaserye ni Chard, impressived sa amin ang unang salvo ng napanood namin. Modernized ang mga eksena na sa opening pa lang, ang ganda ng pasiklab sa mga special effects na ginamit ni Direk Mac Alejandre sa bagong version ng “Ang Panday” na dati nang pinagbidahan nina Fernando Poe, Jr. at Bong Revilla.
Sa katunayan, may twist ang bagong pantaserye. “May isingit ako sa kuwento tungkol sa mga foundling,” ayon sa kuwento ni Direk Carlo J. na siyang may likha sa karakter ni Flavio.
Bukod kasi sa updated ang kuwento ng original Panday character na may dala-dalang magic espada na si Flavio, sa modern version, Richard plays a different role.
Kuwento ni Direk Carlo sa amin during the advance screening na isinagawa sa SM Aura early last week, masaya siya dahil na-execute ni Direk Mac ang request niya at ang napag-usapan nilang dalawa.
Maging si Richard Gutierrez, happy sa result ng bagong serye niya produced ng Viva Communications, Inc. at TV5. “I’m happy sa outcome. I hope fans and viewers will appreciate the new Flavio character that I’m portraying,” sabi pa nito sa press.
Maging ang girlfriend niyang si Sarah Lahbati, happy sa naging feedback ng media sa performance ng partner. Maging ang anak nilang si Zion, aliw na aliw ang reaction na napanood niya sa wide screen ang ama, na after the screening, nilaro ni bagets ang hawak-hawak niyang “magic sword” na ginagawa ang nakita sa ama on screen.
First time ng two years old son nina Richard at Sarah na napanood ang ama. “Very excited at talagang tutok na tutok siyang nanonood. Usually, when we watch a movie ni Zion, magalaw, ang daming hinahanap or minsan, umaalis. Pero talagang nanood lang siya, so mukhang nagustuhan niya,” pagkukuwento ng ama sa reaksyon ng anak.
Sa pagbabalik ni Richard sa telebisyon simula sa Lunes, makasasama niya sina Christopher de Leon bilang ang kontrabidang si Lizardo na dating ginampanan ni Max Alvarado, Epy Quizon, CJ Caparas, at Ara Mina.
Reyted K
By RK VillaCorta