HINDI LANG SINA Jolina Magdangal at Marvin Agustin ang bida sa Adik Sa ‘Yo.
All of a sudden, bigla naming na-miss ang namayapang kaibigan na si Joey Diego, ang dating tumatayong PR ni Marvin. Kung buhay pa si Joey, tiyak mapipigilan niya si Marvin sa paglalabas ng mga balita or statements na hindi pa dapat ilabas or talagang hindi dapat. We can understand Marvin’s enthusiasm for any project he’s in, ha? No blame on that part. Kaya nga lang, sometimes way too advanced kung magkuwento si Marvin o kaya way too off the mark naman and this is not good either for him or kung may matatakapan siya nang hindi niya man lang alam.
We remember one press visit sa Dear Friend nila ni Jolens kung saan tuwang-tuwa siyang nagbabalita sa amin na siya ang gaganap na ex-boyfriend ni KC Concepcion sa When I Met U movie nito with Richard Gutierrez. Naisulat na at lahat, it turned out na top choice pa lang pala siya at in the final decision, he was replaced by Alfred Vargas. Now, the new soap naman nila ni Jolens na Adik Sa ‘Yo na ‘kinukuwento niyang as their solo show. It is not, dahil equal billing and importance sila with another pair, sina Dennis Trillo and Jennica Garcia.
The way it was written pa naman, nagmukhang support lang sa kanila sina Dennis and Jennica when it’s not true at all.
ITINULOY NI RICHARD Gutierrez ang demanda niya sa Philippine Entertainment Portal.
Nakabalik na nga si Richard with Zorro partner Rhian Ramos from the East Coast when they guest sa Eat Bulaga show roon during the Holy Week. Monday at 2pm, dumiretso na rin siya sa Makati RTC para mag-file ng libel suit against PEP. This is about the apology they requested from PEP na ibigay sa kanila dahil sa isang balitang nai-post doon sa nangyaring gulo raw sa birthday ng Zorro director na si Mark Reyes na involved sina Epi Quizon and Michael Flores.
PEP gave an apology but it was not how the family of Gutierrez wants the apology, so Richard decided to make true of his promise na magdi-demanda siya, his first. Twenty five million pesos in damage ang hinihingi ni Richard and ang dinemanda niya, ang editor-in-chief of PEP Ms. Jo-Ann Maglipon herself and the writer of the article, si Bong Godinez. Again, hindi kami papanig sa kahit kaninong side tungkol sa issue na ito as we are one of those praying na sana maayos na lang ito kaysa lumala pa. We are just here to report, not to take sides.
In the end, truth will come out.
MASUWERTE PA RIN si matinee idol kahit ano ang mangyari.
Almost a year nabakante si matinee idol sa sariling estasyon niya kung saan siya na-discover through a reality show. Mas pinaboran ng estasyon ang non-winner na namamayagpag na ngayon and we always wonder why. Talking with someone from the inside, bukod daw kasi sa kailangan ni matinee idol ng matinding acting workshop (at pliers para dumiretso ang dila), major attitude din daw kasi ito and this we personally saw and experienced, nakakahiya pa man din at kaibigan namin ang kanyang manager.
Kinuha kasi si matinee idol ng isang estasyon for a regular show. Alam ni matinee idol ang papasukan niya, ha? In fact, gusto niya ngang mag-audition sa show noon pa, so napakasuwerte niya at siya mismo ang ni-request. Kaso, sumasakit ang ulo sa kanya ng production. Sa isang eksena na pinapag-trunks siya, ayaw niyang pumayag kasi raw ‘winner ako.’ In the end, he has to go na rin para walang problema.
But then, sabi nga namin, masuwerte pa rin siya. Heard that his acting stint from another station made his home station notice him at ngayon, ilu-launch na siya as bida.
Magsimula na kayong magbilang kung anong show ito starting with kinse, katorse and so on, and you’d know who we’re talking about.
Merese
by Dinno Erece