GOODBYE SA pagkabinata kung sakaling totoo ang balitang kumakalat na buntis na diumano ang girlfriend ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.
Kumalat ang balita last week sa pamamagitan ng blind items sa iba’t ibang mga social network na give away, na ang clue ay ang isang young star (take note, hindi aktor huh!) na tila inactive sa kanyang showbiz career at mas gusto ay asikasuhin ang kanyang buhay pag-ibig sa kontrobersiyal na girlfriend.
Maging si Ruffa Gutierrez, nagulat sa balita. Wala pa raw siyang alam dahil noong nakaraang pagkikita nila ng kapatid sa kanilang family vacation, hindi nila ito napag-usapan (ang pagbubuntis ni Sarah) at happy silang magpa-pamilya.
Yesterday (Sunday) early morning habang nage-FB kami, nag-iwan kami ng mensahe sa publicist ni Richard na si Jun Lalin and asked him about the rumoured pregnancy of Sarah. While writing this co-lumn, we got no reply from Jun Lalin.
Kung sabagay,kung totoo mang buntis si Sarah, not bad for Richard dahil nasa marrying age na rin naman siya at doon din naman patutungo ang career niya na ngayon ay halos walang plano ang Kapuso Network sa kanya at ang nabantilawang pelikula nila ni Marian Rivera na My Lady Boss na nag-urong-sulong sa pagpapalabas nito ay isi-showing na rin sa wakas.
LINGID SA kaalaman ng marami, habang busy sa mga sosyalan kaliwa’t kanan, nag-aaral pala si Ruffa Gutierrez sa SOFA ng fa- shion design kung saan pangarap niyang maging isang fashion designer.
With Ruffa’s fashion taste at exposure sa fashion world, magandang second career ito sa celebrity host kung saan bagay siya. Aside from fashion ay nag-aral din siya ng pastry baking (on a one on one basis).
Kaya nga excited siya next month (July) where she will be in London to pursue her dream to study overseas.
This summer, she will take up Political Economy sa prestigious King’s College sa London.
Sa pagpapatuloy niya ng kanyang edukasyon sa ibang bansa, maiiwanan ang dalawa niyang dalagitang sina Venice at Lorin sa inang si Anabelle Rama.
“But I want my kids to be with me pero I will have a hard time. But pag settled na ako, I want them to visit me,” sabi ni Ruffa.
Sa kabila ng mga sosyalan sa high society at showbiz, aktibo pa rin siya sa kanyang advocacy for the empowerment of women which for me ay hanga ako at saludo sa kanya.
KALOKA! AKALA ko may bago sa Sunday noontime show ng Kapuso Network, ‘yun naman pala, wala. Nagbago lang ng title – from PARTY PILIPINAS to SUNDAY ALL STARS (SAS) but still the same old stuff. Mas naging baduy pa yata ang styling ng mga outfit ng mga performers lalo na ang mga back-up dancers.
Akala ko, mas more creative sila? Akala ko mas bobongga sila compare sa Party Pilipinas? Habang nagtsa-channel surfing ako from GMA-7 to ABS-CBN 2, maikukum-para mo talaga ang dalawang show. Magaling si Mark Bautista sa kanyang opening number. Rakista kung rakista na bagay ang kanyang black leather jacket sa kanyang performance. Si Jennylyn Mercado – oks pala at may boses. Si Jolina Magdangal, parang ang bigat-bigat ng katawan sa kanyang pag-indayog habang si Christian Bautista – humataw sa kanyang rock number, pero naka suite-jacket na asiwa sa kung sino man ang nagbihis sa kanya.
Tama, parang kumpetisyon ng apat na grupo nina Mark, Christian, Jennylyn at Jolina ang bagong show ng Kapuso Network. Tuloy naalala ko ‘yong Saturday Entertainment ni Kuya Germs noon na hataw kung hataw ang iba’t ibang grupo ng mga cast ng daily That’s Entertainment show.
Magaling mag-ilaw at mag-stage design ang ASAP kumpara sa Sunday All Stars. Pati camera shots ng SAS ay passe kumpara sa ASAP. Akala ko magbabago ang Sunday TV viewing habit ko sa pagpasok ng Sunday All Stars, ‘yun naman pala wala.
Hopefully, maka-survive ang SAS sa labanan ng pagalingan at pagandahan ng palabas tuwing Sunday.
Reyted K
By RK VillaCorta