Richard Gutierrez, iwas na sa intriga – Chit Ramos

NATIYEMPUHAN NATIN SA Arlington Funeral Parlor wake ng mother ni Linggit Tan (Entertainment Head ng ABS-CBN), ang child actor na si Nash Aguas. Aba’y matangkad na ang 11 year-old pa lang na batang madalas mapanood sa Goin’ Bulilit ni Direk Edgar Mortiz.

Tinanong ko agad si Nash kung si Maja Salvador pa rin ang kanyang “crush.” Agad din siyang tumango, kaya, sinundan ko ang tanong. In 4 years ikako, binatilyo na siya. Kung papipiliin ba siya kung sino ang gusto niyang maging first ka-kissing scene kapag 15 years old na siya, si Maja pa rin ba?

“Opo naman,” sagot niya. “Gusto ko pong maging Aga Muhlach na naging leading man ni Lorna Tolentino sa Sinungaling Mong Puso. At si Gabby Concepcion kay Vilma Santos sa maraming pelikula ng Regal ni Mother Lily noon.”

Aba’y madalas palang manood sa Cinema One ang child actor.

Tinitiyak din ni Nash na panoorin ang Nagsimula Sa Puso na magsisimulang ipalabas ngayong Lunes, after Wowowee. Hindi ba ikako siya magseselos kina Coco Martin at Jason Abalos na katambal ni Maja sa nasabing teleserye?

“Hindi siguro,” aniya. “Kapag 15 na po kasi ako, matatanda na sila. Hindi ko na sila makakalaban.”

[ad#post-ad-box]

MARAMI ANG NANINIWALANG good or bad publicity is still publicity. As far as Richard Gutierrez is concerned, mas maganda pa rin ang good publicity lalo na kung ito’y totoo. Ang masama sa bad publicity ay kung gawa-gawa lang ito at meant to destroy a person.

“I am not perfect, but I try as much as possible to do good things. God has been good to me at kailangan kong ibalik sa kanya ang magagandang bagay na ibinigay niya sa akin. So, I concentrate on the the good things,” pahayag niya.

“I’ll focus then on the feedback na nakukuha ng Patient X movie namin ni Cristine Reyes dahil malapit na itong ipalabas. Let’s face it, sobrang hirap ang naranasan ko rito, at masarap pakinggang at basahin ang sinasabi ng mga nakapanood sa trailer nito noong Sabado before Eat…Bulaga!,” explain niya.

Nakatatakot nga ang napanood sa GMA-7 noong Sabado. Tanghaling tapat pa iyon, lalo na siguro kung gabi na.

“I can’t help myself to also watch the post-production, kasi napapanood ko ang mga pinaghirapan namin ni Cristine Reyes at iba pang members of the cast. It’s enough para kalimutan ko muna ang negative things at mag-focus ako sa positive,” patuloy niya.

Sa Patient X, tiyak na maalaala rin ang pelikulang Sigaw ni Richard noon with Angel Locsin at Iza Calzado. Ginawa ito noong 2004 para sa Metro Manila Film Festival. Ni-remake iyon sa Hollywood, naging The Echo at malapit na ring ipalabas dito sa ating bansa.

Lalo siyang na-inspire nang mapanood noong Sabado rin ang TV special niyang Bahay, Baha, Buhay: Imbestigador Special Report after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7 din.

“Malaki kasi ang maitutulong nito sa mga kababayan nating nasalanta noong baha dahil kina bagyong Ondoy, Pepeng  at Queban. Nagtuturo kasi ng mga dapat gawin para maging handa tayo sa mga kalamidad. Siyempre, ayaw na nating maulit ang mga malulungkot na pangyayari.

“I have to thank GMA for allowing me to become a part ng pinakabagong environmental special ng news department at tatalakay sa mga problema ng ating kapaligiran at sasagot sa mga katanungan kung bakit naging ganu’n katindi ang idinulot sa atin ng bagyong si Ondoy.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

Previous articlePiolo Pascual, ayaw i-media ang pagtulong – Cristy Fermin
Next articleJewel Mische, tanggap ang pagiging “GF sa dilim” ni Richard Gutierrez? – Gorgy’s Park

No posts to display