SIPAT: NAGHATAG na naman ng BAGONG KASO kay WILLIE REVILLAME ang KAPAMILYA.
EKLAT: Pinang-PROMO na nga agad ni PAPI!
SIPAT: REKLAMO ni WILLIE: ‘BAKIT kayo GALIT na GALIT sa akin? WALA akong GINAWANG MASAMA sa INYO!’
EKLAT: A] OO WALA!; B] OWS, WALA?; C] OH, SO WALA?; D] WALA RAW, O!
SIPAT: MASYADO namang PIKON ang ABS-CBN.
EKLAT: NABASTOS lang ni PAPI ang KONTRATA nila, MAGDEDEMANDA na?!
SIPAT: HINDI lang naman si WILLIE ang IDINEMANDA, SABIT din ang TV5.
EKLAT: BAKBAKANG ‘KAPATID’ at ‘KAPAMILYA’! Ang GALING!
SIPAT: ‘NAINSULTO’ raw si SHARON CUNETA sa PAGTANGGI ni AGA MUHLACH na MAGKASAMA sila sa PELIKULA dahil MATABA siya?
EKLAT: Sabagay, ‘MACHO’ si AGA!
SIPAT: ‘GANDANG PROJECT ‘pag NATULOY ang PELIKULA nina AGA at SHARON.
EKLAT: TWO ‘BIG’ STARS in ONE GIANT MOVIE!
SIPAT: Kung ISASAMA pa si ANGEL LOCSIN?
EKLAT: ‘TODAY’s BIGGEST STARS in ONE HUGE MOVIE – in 3D!’
SIPAT: Naks, SIKAT na rin ang YAYA ni PIOLO PASCUAL na si MOI BIEN!
EKLAT: Mas SIKAT na nga kay PAPA P!
SIPAT: NAUUSO yata ang ‘EXOTIC’ BEAUTY sa SHOWBIZ…
EKLAT: SINIMULAN kasi ni MELAI CANTIVEROS!
SIPAT: MASAYA raw si RICHARD GUTIERREZ na nasa ABS-CBN na ang EX-GIRLFRIEND na si JEWEL MISCHE…
EKLAT: Mas MALAYO na sa kanya, e.
SIPAT: WELCOME naman sa BAKURAN ng KAPAMILYA si JEWEL.
EKLAT: EWAN na lang sa TALENTS nila…
SIPAT: INAMIN na ni GERALD ANDERSON na nagde-DATE sila ni BEA ALONZO.
EKLAT: TOTOO ba ‘yan? IYAK ka muna, GERALD!
SIPAT: INAMIN ni OGIE ALCASID na nagli-LIVE-IN na sila ni REGINE VELASQUEZ.
EKLAT: So… mga BAGETS ‘to?
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service