TIME WAS when the Metro Manila filmfest parade was held every 24th of December. Ang mga nanggagandahan at ginastusang floats would coast along Roxas Blvd. amidst a sea of humanity na sabik makita ang kanilang mga paboritong artista.
However, in recent years, a consensus was met by the major stars themselves na may kanya-kanyang entries: ilipat na raw sa December 23 ang parada to give them ample time to prepare for the night’s Noche Buena.
Previously, too, tanging ang mga official entries lang would parade around on floats in full regalia with the major cast members in character. May gimik pang pagmumudmod ng mga goodies sa mga tao scattered all over the streets.
This year, mapalad ang mundo ng telebisyon dahil kabilang sa paparada ay ang float ng Panday, ang karakter ni Flavio na bibigyang-buhay naman ni Richard Gutierrez. Panday is the biggest and the loudest pasabog of TV5 sa pagbubukas ng 2016 lalo’t nasa kamay na ng Viva Entertainment ang pag-asang muling sisigla ang istasyon ni Mr. Manny V. Pangilinan.
A komiks character created by director Carlo J. Caparas, hands-on kung tutukan ng batikang nobelista ang kanyang makasaysayang obra made into TV. Kay Direk Mac Alejandre ipinagkatiwala ang TV version nito.
Tulad ng film version ng Panday na ginampanan ni FPJ, asahang with the modern technology ay kamangha-mangha ang mapanoanood na special effects sa TV.
Samantala, speaking of TV5’s Saturday programming, scaling the audience viewership ratings ay ang tatlong magkakasunod na programa sa primetime block nito: Lola Basyang (7 p.m.), Parang Normal (8 p.m.) at Kano (9 p.m.), kung saan ang foreigner bida nito ay ang dyowa ni Pokwang.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III