Richard Gutierrez, naghahanap na ng malilipatang istasyon?!

NO WONDER, nakapag-guest si Richard Gutierrez sa last Sunday’s episode ng Gandang Gabi Vice, expired na kasi ang kontrata ng aktor sa GMA as far as his TV projects are concerned. Dinig namin, what’s left of his contract ay isang pelikula na lang which will totally liberate him from the TV network na ilang taon din niyang pinaglingkuran.

So, are we to assume na naghahanap na ng malilipatang istasyon si Richard? His reasons if ever are obvious, after all.

Una, ang karelasyon niyang si Sarah Lahbati ay may legal pang problemang kailangan niyang ayusin sa GMA Network, Inc., bukod pa sa isinampang libel case laban sa kanya. Naiipit nga naman si Richard between the station and Sarah’s plight.

Ikalawa, there can never be two kings in one kingdom. With his arch rival Dingdong Dantes hailed as the Primetime King of the network, ano ngayon ang ranggo ni Richard? For sure, he won’t settle for a princely title.

Masasabi na bang ang simpleng pag-guest ni Richard sa GGV is Richard’s ticket all the way to the entrance of ABS-CBN?

But let’s face it, isang snakepit ang naturang istasyon reigned by the John Lloyd Cruz, the Jake Cuenca, the Piolo Pascual, etc.? Here’s hoping that Richard reconsiders his decision, at the same time opens his mind to the fact that he’s not at par with the king.

PROOF THAT she’s damn serious as a producer, mismong si Ai-Ai de las Alas ang nag-hold ng special screening ng Kung Fu Divas nitong Miyerkules sa Trinoma Cinema 6, exactly a week before her first screen team-up with Marian Rivera opens in more than 100 theatres nationwide.

In her words na rin kasi, sinabi ni Ai-Ai na bilang investor ay wala siyang karapatang magtamad-tamaran sa shooting, “Milyon ang mawawala.”

In Kung Fu Divas directed by Onat Diaz na isa ring co-investor, Ai-Ai has waived her entire talent fee, samantalang bukod sa kanyang TF ay nagdagdag pa si Marian sa kanyang first venture sa pagpoprodyus.

Producing movies is no longer new to Ai-Ai, in fact, Kung Fu Divas brings to three the number of films that she has co-invested so far. “Kaya naman kapag kumita, ang saya-saya ko! Ang dami kasing pera!”

Inamin naman ni Ai-Ai na baka raw sa pagkakaroon niya ng maraming pera kung kaya’t lapitin siya ng mga lalaki who end up her dyowa only to realize her kagagahan committed many times over.

MAGSISILBING REUNION ng TGIS stars na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews ang episode bukas ng One Day, Isang Araw na pinamagatang Ang Huling Diwata.

With an environmental theme, nagkaroon ng family outing sina Mommy Janet (Angelu) at Daddy Cesar (Bobby) sa isang resort na may ilog. Upon arrival, they are met by the resort caretaker Maya (Kylie Padilla).

While picnicking, Sid (Bryan Jestin Pagala)catches sight of a fairy na hindi niya nilubayan sa paghahanap kasama si Shelly (Mikcah Nacion). Minsan nang nahuli ni Shelly na kumakain ng mga kendi si Sid, at para hindi ito maisumbong, he tosses a plastic bag full of candies into the river.

Dahil doon, naglabasan ang mga “atawid” (bad fairies) sa maruming ilog sa pangunguna ng diwatang si Rochelle Pangilinan. The conflict unfolds when the atawids forcibly take Shelly under their custody, kaya to the rescue si Maya.

Their goal is to recover the waste thrown into the river para hindi na muling sumalakay ng mga atawid. One Day, Isang Araw airs every Saturday after GMA weekend news.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleVice Ganda, pinasaya ang batang fan na cancer patient
Next articleRufa Mae Quinto, nagiging libangan na ang pag-inom ng alak?!

No posts to display