Richard Gutierrez, nagpakita ng kabastusan sa media?!

OLYMPUS DIGITAL CAMERASUKI NA yata ang Startalk sa “pagbababas” sa mga tinaguriang May-December couples, the most recent of which ay ang relasyon sa pagitan ng sexy star na si Keanna Reeves at ng kanyang 19 year-old boyfriend from San Fernando, Pampanga.

In hindsight, nai-feature din ng naturang programa ang sisenta’y singko anyos na si Tiya Pusit, na proud din sa kanyang karelasyong 27 years old who works as a call center agent although she refused to mention his name.

Hindi man pinangalanan ni Tiya Pusit ang kanyang nobyo, nothing could be more leading to the guy’s identity than proudly showing us their pictures together in their sweetest of moments. Ang ending: imbiyerna ang mga magulang ng boylet kay Tiya Pusit!

Sa isip-isip namin, why are the guy’s parents restrictive gayong hindi na naman menor de edad ang kanilang anak? Hindi naman balahurang babae si Tiya Pusit para rin ikahiya ng lalaking ‘yon? At ano rin ba ang mawawala sa lalaki sa kanyang pagpatol sa isang biyuda more than twice his age?

Kung tutuusin, mas mahirap ang sitwasyon ng mga “cougar” (elderly women who maintain affairs with younger men) because of the public impression that these young boylets make milking cows out of them! Eh, ano naman?

ISANG MAHUSAY na researcher ng Startalk si Beth Miralles to whom previewing the material taken during Richard Gutierrez’s recent  arraignment at a Cavite court sa kasong reckless imprudence resulting in homicide was assigned.

Nalathala rin kasi ng mismong araw na ‘yon, Biyernes, ang tila iritableng pakikitungo ng aktor sa mga nagkober na media.  At isa nga raw sa mga palatandaan ng halatadong pagkainis ni Richard was when he scratched his head using his middle finger na wari’y non-verbal expression ng pagpa-“f—ck you” sa mga mamamahayag.

Richard-GutierrezPero sa in-email ng aming kasamahan sa Startalk na transcribed interview sa abogado ni Richard, Beth found no malice in the actor’s behaviour. Gusto naming paniwalaan ang obserbasyon ni Beth, baka nga nangati ang ulo ni Richard at gitnang daliri niya ng kamay ang kanyang ipinangkamot, that meant nothing at all.

As Richard was being surrounded by the media na nagtanong sa kanya, ang kanyang itinugon ay, “Itanong n’yo kay Jollibee!” Again, the press should not take offense at a figure of speech.

Kung tutuusin, dapat pa ngang magpasalamat ang naturang food chain for Richard’s free endorsement, unless panawagan niya ‘yon para bigyan ng commercial since ilang buwan nang nakatengga at income-less ang aktor.

Komedyana nagbayad ng P20k maka-sex lang ang isang miyembro ng Viva Hot Men

 

BLIND ITEM: Hanggang ngayon pala’y pinoproblema ng isang talent manager ang alaga niyang komedyante. Sa totoo lang, the least we can describe our subject is babae siya, as any other clue can lead to her identity.

By now, ang inaakala nating bagets na komedyante is probably in her late 30s, whose image is ironic dahil sa halip na kinakarir niya ang pagpapatawa ay mas siya pa ang pinagtatawanan. And if you’re in for a good laugh, ang kuwentong ito’y may kinalaman sa kanyang kalandian na siyang nagdudulot ng sakit ng ulo sa kanyang manager.

Once, may isang miyembro ng Viva Hot Men ang natipuhan ng komedyanang ito. Hindi lang ‘yon basta crush, kundi walang takot na gusto niyang makaulayaw ang lalaking ‘yon kahit isang gabi.

“Name your price,” ito ang ipinaabot na mensahe ng komedyana sa nataypang hombre, alangan naman daw kasing ang lalaki pa ang malalagasan ng pera. When told, bantulot daw ang mhin. “Naku, masasaktan lang siya,” referring to his huge dick na baka hindi kayanin ng komedyana.

Hindi sumuko ang komedyana, she swore that she could withstand the pain. Ang ending, natuloy ang kanilang pagniniig, the kati-katerang comedienne had to pay P20,000 for a night’s sex.

Da who ang komedyanang ito? Basta, “love” n’yo siya.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleKahit may MU na
Daniel Padilla, patuloy pa rin ang panunuyo kay Kathryn Bernardo
Next articleHangga’t kailangan ng mga biktima ng Yolanda
Dingdong Dantes, ‘di titigil sa pagtulong

No posts to display