Tulad ng idinaos na advanced screening ng “Bakit Manipis ang Ulap?” before it premiered last February 15, isa ring espesyal na patikim ang inihanda ng Viva Communications at TV5 sa inaabangan nang Carlo J. Caparas’ “Ang Panday” na bida ang nagbabalik-telersyeng si Richard Gutierrez.
In full force ang mga boss ng dalawang kompanya nang ganapin ang similar event sa SM Aura sa Bonifacio Global City kahapon, in time for “Ang Panday’s” premiere sa darating nang Lunes.
Ang time slot na dalawang linggo nang nakasanayan among the viewers of BMAU ay bababa sa alas nuwebe y medya to give way to Ang Panday na matutunghayan ng alas-nuwebe.
Isa ngang back-to-back weeklong pasabog ang magsisimula sa February 29, such a ratings-competitive tandem which is hoped to further beef up TV5’s viewership during primetime nights.
MAG-AAPAT NA linggo na sa darating na Sabado ang “Born To Be a Star”, pero paulit-ulit ang ginagawang pagpapaliwanag ng mga hurado nito. Higit pa sa isang mang-aawit ang hinahanap ng reality singing competition na ito.
As the title fundamentally suggests: isang bituin.
Sa totoo lang, finding a star in its primordial sense is like looking for a needle in a haystack. Ang hinahanap kasi ng BTBAS is a total package altogether. Hindi lang maganda ang tinig sa pag-awit kundi maihuhulma ng Viva Communications as a singing star to reckon with.
Sabi nga sa Bibliya, “Many are called but few are chosen.”
Sa bilog at mailaw na entablado ng BTBAS ay marami na so far ang sumampa to the awe and admiration ng mga hurado, studio audience at maging ang mga manonood sa kani-kanilang mga tahanan. Pero sa bawat Sabado at Linggo ng pagtatanghal, only one (maliban nu’ng may nag-tie isang Sabado) is chosen.
KUNG MAY kasabihang “All roads lead to Rome,” nitong Linggo—base sa social media trending—ay nakatutok ang sambayanang Pilipino sa PiliPinas Debates 2016 sa GMA.
Sa pambihirang pagkakataon—after more than two decades—tinipon ng News and Public Affairs ng GMA ang limang presidential candidates in its conduct of the first of three public debates na ginanap sa Capitol University sa Cagayan de Oro City.
Isinalang sina VP Jejomar Binay, Senator Miriam Santiago, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Senator Grace Poe at dating DILG Secretary Mar Roxas sa tatlong round corresponding to the major concerns endemic to Mindanao.
Kulang ang dalawang oras para pakinggan ang mga opinyon at plataporma ng limang presidentiables dahil as in any debate ay limitado lang ang oras.
For whatever it’s worth, ito naman ang aming maikling obserbasyon sa bawat isa sa kanila: A seemingly jittery Binay dwelt on abstractions if not ambiguities sa kanyang paglalahad ng kanyang magiging leadership goals; Santiago apparently turned a deaf ear on oratorical promises, citing the source of funds to achieve such goals; Duterte was consistent with his all-encompassing anti-criminality stance pero hindi namin siya makitaan ng pagiging isang statesman; Poe came prepared with her statistics, pero inilahad niya ang kanyang mga plano in general terms; Roxas saw fit para buweltahan ang kanyang mga katunggali asserting his eligibility while stressing the imaginary daang matuwid.
May dalawa pang nakatakdang presidential debate. Ang maganda sa nauna, buong bayan ang nakilahok para magbigay ng kanilang mga saloobin.
During commercial breaks ay naglilipat kami ng channel, Goin’ Bulilit naman ang palabas. It just dawned on us na habang kinikilatis natin ang susunod na pinuno ng bansa, it’s extremely important to think as to which direction this nation’s bulilits are goin’.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III