Perfect choice para kay Direk Carlo J. Caparas na si Richard Guterrez ang gaganap na bagong “Flavio” sa pagbabalik ng “Ang Panday” sa TV5 simula February 29 na co-production ng Viva Communications, Inc. at ng istasyon ni MVP.
Mas alam ni Direk Carlo J. kung ano ang tamang pamantayan dahil siya kasi ang creator ng karakter ng “Panday” na sinimulan ni The King Fernando Poe Jr. (FPJ) na sinundan naman ni Bong Revilla.
Ang tikas ni Richard Gutierrez ang hanap ni Direk Carlo kung saan sa bagong pantaserye na ididirek ni Mac Alenjandre, ang karakter ni Flavio ay bahagi ng dalawang mundo (old world at present time), kung saan sa trailer na napanood namin, ang ganda at impressive ang bagong pantaserye.
Nang makita ni Direk si Richard, alam niya na ito ang akmang Flavio na gusto niya. Bukod sa tikas at kaguwapuhan, sa dinami-rami ng mga kabataang artista sa liga nina Richard: “No doubt na siya ang gusto ko. I know kung sino ang p’wedeng gumanap dahil alam ko kung sino si Flavio,” pahayag ni Direk Carlo J sa kanyang karater.
Sa “Ang Panday,” makakasama ni Richard sina Christopher de Leon who plays Lizardo na pinasikat ng character actor na si Max Alvarado noon na matinding kalaban ni Flavio sa panahon na si FPJ pa ang “Panday”.
Sa bagong bersyon, may tatlong babeng karakter namely Sam Pinto, Bangs Garcia, at Jasmine Curtis na mae-encounter si Flavio na sa makabagong panahon ay isang mekaniko.
Kabilang sa cast sina Alonzo Muhlach, ang komedyanteng si Empoy, Ara Mina, CJ Caparas, at Epi Quizon.
Reyted K
By RK VillaCorta