MALUNGKOT PA RIN ang mga mata ni Richard Gutierrez nang dalawin namin sa hospital kaugnay ng first day shoot niya sa pelikulang Patient X last Friday.
Nakiusap ang kaibigang Jun Lalin na huwag na munang magtanong tungkol sa controversy involving him and the accident that killed his assistant dahil dinaramdam pa rin niya ito hanggang ngayon.
Hindi rin marahil napigil ang pagsabak ni Richard bilang producer (at bida) ng nasabing pelikula na posibleng ipalabas daw sa buwan ng Oktubre. Co-producer siya ng GMA at Viva Films. Katambal niya si Heart Evangelista sa project na ito.
Gustuhin man ni Annabelle Rama na magpahinga muna si Richard after Zorro pero, hindi sila makaiiwas dahil naka-sked na ito at ganu’n din ang taping ng Zignos 2 para sa GMA News and Current Affairs docu special na ipalalabas naman sa Sept. 6.
Matagal nang plano ni Richard na makagawa uli ng isang horror movie, tulad g Sigaw na ginawa niya with Angel Locsin. Malayo ang narating ng Sigaw, hindi lang ito umikot sa iba’t ibang bansa, kundi ni-remake pa sa Hollywood at nilagyan ng titulong Echo. It was the first time that a Filipino movie got that particular break in Hollywood.
Tapos, heto, mayroon na palang nagawang istorya si Direk Yam Laranas na inialok kay Richard at ito na nga ang Patient X.
“Hindi ko na po muna ikukuwento sa inyo kung ano ang natuklasan ko sa isang pasyente at kung bakit hindi ko siya pinayagang ma-release agad sa hospital. I play a doctor, pero, hindi ito kagaya ng mga ginagawa ng doctor sa ER series sa TV noon. Pinoy ang dating nito, at dasal ko nga na matulad din ito sa Sigaw. Kakaiba ang excitement ko rito, may kasamang thrill at hope na maabot ang pangarap namin nina Direk Yam at Aloy Adlawan.”
IBA NAMAN ANG passion na nadama ni Richard para sa Zignos kung kaya’t kinakaya niyang sumama sa taping nito, una sa Batangas at pangalawa sa Cebu.
“Meron na namang challenge ang docu para sa akin dahil hindi lang nag-top sa ratings ang unang Zignos na ginawa namin last year, sa clamor from televiewers, ini-replay ito sa QTV. This time, in-involve ko naman ang sarili ko sa mga pamahiin at paniniwala ng mga Pinoy. Nakita ko rin ang resulta ng climate change lalo na sa mga lugar na malalayo. Kahina-hinayang ang nasisira nating kalikasan. At dahil doon sa mga na-preserve na lugar, proud na proud ako sa bayan natin dahil walang kasing-ganda ang makikita. Actually, hindi ko namalayan na pagod na pagod na pala kami sa kata-travel. Mas mahirap pa physically ang ginagawa ko ngayon, kaysa paggawa ko ng action series.”
Hindi man sinabi, mukhang kinakalimutan muna ni Richard ngayon ang mga babae. Naniniwala marahil siya sa kasabihang hindi talaga napagsasabay ang love and career at the same time.
At this point in his life, mas kakailanganin niya ang suporta ng kanyang pamilya at mga fans.
“I didn’t realize how caring can my fans be. They really inspire me with their letters. Kapag kinukuwento sa akin ng secretary ko ang ilan sa mga ito, napapa-isip ako talaga. They give me so much, yet, kakaunti lang ang time na naibibigay ko sa kanila.”
BULL Chit!
by Chit Ramos