OLA CHIKA! MARAMI talaga ang nagpupumilit na pabagsakin ang nangunguna ngayong artista sa Kapuso station na si Richard Gutierrez. Marami nga kasi siyang kuning-kuning na detractors, huh!
Magpahanggang ngayon, hindi pa rin kasi mapatay-patay ang isyu sa kanya laban sa PEP, na diumano’y may naisulat na hindi nagustuhan ng kampo ni Richrad, at nauwi nga sa demandahan, huh! Pero ang mga tagahanga ng aktor, nandiyan pa rin at handang sumuporta sa kanya, kahit na ano’ng mangyari.
Palaban ngayon ang anak ni Annabelle Rama, ngunit ang tanong, hanggang saan kaya mauuwi ang demandahan ng dalawang kampo?
‘Superhero’ ang tingin kay Richard ng karamihan sa kanyang tagasuporta, ngunit marami ang nagtatanong kung kontrabida nga ba ang matinee idol sa totoong buhay, huh?! Ngayon nga kasi, gabi-gabing napapanood ang aktor sa bago nitong teleserye, bilang si Zorro.
Ngunit hindi nga lang si Richard ang ganitong sitwasyon. Kung maaalala ng lkahat, may hidwaan din ang ina nitong si Annabelle at ang GMA executive na si Wilma Galvante, at hindi nga maganda ang kanilang relasyon hanggang ngayon, huh! Tuloy, iba ang tingin ng mga tao sa ina ng guwapong aktor.
Hindi ko po sinisiraan ang kampo ni Richard, kundi ipinaaabot ko lang ang nakarating sa akin, na sa katarayan ng ina at kaparangkahan nito, tila ito ang nagbibigay-daan upang hindi maganda ang tingin ng mga tao sa kanya at mga anak nito, huh!
Nakakaloka talaga, oh! Pero knowing Tita Annabelle, ‘di ba? Kaya kung ano man ang laban nio Richard, laban din ng kanyang buong pamilya. ‘Yun na!
KAGAGALING LANG NI Reynan, isa sa mga kasamahan ko, mula sa bakasyon sa Davao, kung saan pinuntuhan niya ang isa sa mga magandang lugar at isla sa Davao. Marami ngang mga artista at turista ang nagpupunta at nagbabakasyon sa mala-paraisong Samal Island.
Kuwento nga raw ng ilang mga taga-roon, doon daw madalas magpunta ang dating hunk actor na si Carlos Agassi, dahil sa tahimik at hindi polluted ang lugar, hindi kagaya sa iba. Ganu’n?!
Dagdag pa ni Reynan, “Naku, Tita, ang ganda ng lugar! Nakuha ko pang umakyat sa bundok, at matatarik na lugar, at mag-swimming sa white beach.”
Halos punong-puno nga ng mga turista at bakasyunista ang lugar, na dahil na rin sa panahon ng bakasyon, kailangan na rin ng mga taong magpalamig sa sobrang init, oh ‘di ba?! Nakakaloka!
Oo nga naman, kung puwede lang akong umalis at magpunta sa malalayong lugar, tiyak na nag-lamyerda na rin ako. Hahaha! O, laban ka?! ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding