Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, tinitira sa pag-amin sa kanilang anak

2 Sarah-Lahbati-Richard-GutierrezMEDYO OA na ang ibang twitter followers at ‘yung ibang mga nagko-comment sa mga news online tungkol sa pag-amin na finally nina Richard Gutierrez at Sarah Labahti na yes, sila’y may anak na.

Meron pang nag-comment na ba’t daw noon lang umamin? Ba’t daw hindi umamin nu’ng ipinagbubuntis pa lamang ang bata? Ba’t daw kailangang sa isang show mangyari ang aminan?

Iba-iba talaga ang opinyon ng mga tao. ‘Pag nakipagbatbatan ka ng opinyon ay siguradong kailangan ng beer, dahil mahaba-habang usapan ‘yan.

May sari-sariling rason ang dalawa kumba’t hindi agad nila inamin. At ibigay na natin sa kanila ‘yon.

At least, kahit “delayed” ang pag-amin na sila’y may anak na eh, bottomline, inamin pa rin nila at ipinagmamalaki nilang sila’y may anak na.

So, matuwa na rin ‘yung ibang “epal” lang at “papansin”, dahil at the end of the day, hindi naman natin buhay ‘yon. At nangengeelam lang naman ‘yung iba sa buhay ng may buhay.

So congrats kina Richard at Sarah!

Every baby is a blessing!

SA MGA nakapanood ng Maybe This Time ay na-appreciate ang performance namin bilang si “Mama Mae” na epal lang na kasambahay ni Coco Martin sa buhay nila ni Sarah Geronimo,  maraming salamat po.

Actually,  ang sarap-sarap pala sa pakiramdam ‘yung sa tuwing umaga paggising mo, tapos, iche-check mo ‘yung twitter mentions mo na puro papuri sa ‘yo ang nababasa mo, wow,  grabe! Ang saya-saya namin.

Ito ‘yung feeling na hindi mo matatapatan ng kahit magkanong halaga ‘yung effort ng mga tao to tweet you na nagustuhan nila ang role mo.

Actually, nu’ng nagkasalubong kami ng isa rin sa cast na si Ruffa Gutierrez, sabi namin sa kanya, sobrang happy ako, dahil finally, binati na rin ako ng brother niyang si Raymond after the premiere night.

Nu’ng masalubong namin si Tita Annabelle sa likod ng sinehan at bineso namin ay nag-hi si Raymond at ang sabi, “You were so good in the movie. Funny ka, funny” na sobra naming na-appreciate up to now.

Eh, ba’t ba kami hindi nagbabatian ni Raymond?

Nako, ibaon na natin ‘yon sa limot. Ang mahalaga, dahil sa “Maybe This Time” ay okay na kami. At naramdaman namin pareho that time na walang pride-pride at good vibes lang.

“NAKO, NU’NG una nga, hindi ko alam, ‘Ano ba ‘to? Lagi kong punchline ang “catch my drift” na hindi ko naman maintindihan kahit nag-i-Ingles ako. Anyway, ginawa ko na lang kung ano’ng sinasabi sa script kahit ayoko. Eh, gusto nila, eh.

“Tapos, ‘yun pala ang remarkable sa movie, ‘yung ‘catch my drift’ na ang ibig palang sabihin ay ‘gets mo?’ Kaya kahit sa twitter o saan ako magpunta, ‘yun ang sinasabi sa akin. Naging famous line na siya, hahahahaha!’

Actually, sabi namin kay Ruffa, nakakatawa siya du’n nu’ng ayaw magpahalik ni Tonio (Coco) sa kanya at nagdayalog siyang, ‘Ang arte-arte naman nito.’ Hahaha!”

O, anyway, sa mga nakapanood ay malalaman nila kung ano ‘yung tinutukoy namin, at du’n sa hindi pa nakakapanood, eh panoorin n’yo na ang Maybe This Time para malaman n’yo kung ano ‘yung pinag-uusapan namin ni Rufing.

Follow us on twitter (@ogiediaz) and on Instagram (@ogie_diaz) at like us on facebook (The Ogie Diaz) at siyempre, catch us every Saturday, 9-10pm sa “OMJ” radio program namin ni MJ Felipe sa DZMM Teleradyo na mapapanood din sa SkyCable 26 at Destiny Cable 25 at puwede rin sa www.dzmm.com.ph.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleAljur Abrenica at Louise delos Reyes, nagdededmahan para ‘di mapag-usapan?
Next articleRichard Gutierrez at Sarah Lahbati, wala nang itinatago

No posts to display