GUSTO RIN palang suma-bak sa isang magandang independent film project ni Sen. Jinggoy Estrada.
Nang maikuwento namin sa kanya na si Vilma Santos ay gumagawa ngayon ng isang indie movie under the direction of Jeffrey Jeturian, biglang nagka-interest si Sen. Jinggoy.
“At least maliit lang ang budget nito. Kung hindi man magustuhan ng moviegoers, hindi masakit sa bulsa na nalugi ka,” kuwento niya sa amin minsan sa induction ng mga bagong halal na mga 2013 PMPC Officers and Directors.
Kung hindi kami nagkakamali, ang huling pelikula ni Sen. Jinggoy ay ang Katas ng Saudi with Lorna Tolentino, kung saan napansin din ang arte niya.
“Mahirap mag-produce na masyadong malaki ang puhunan. Hindi ako basta-basta na lang maglalabas ng almost P80 million para lang sa isang pelikula, na hindi tulad ng iba,” dagdag niya na may pahaging ang kanyang kuwento at pinapatungkol sa pinsan niyang si Laguna Gov. ER Ejercito na ang pelikula nitong El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story ay lugi pa sa puhunan sa nakaraang MMFF at maraming protesta mula sa academe dahil distorted ang kasaysayan at katotohanan ng Philippine History natin.
Ngayon na malalapit na ang break ng Senado, mayroong limang buwan si Sen. Jinggoy na gumawa ng isang indie film project.
On the other hand, sa darating na Presidential Election in 2016, tila masusubukan ang friendship nina Sen. Jinggoy at Sen. Bong Revilla na balita namin ay pareho nag-e-aim for the Presidential seat.
‘Pag nagkataon, sino kaya sa kanila ang magbibigay-daan? Sino kaysa sa kanilang dalawa ang magsosoli ng kandila para sa kanilang personal na ambisyon?
BLIND ITEM: Macho at malakas ang appeal ng actor na tinutukoy namin. Sa katunayan, isa siyang sex object ng mga kabaklaan at sa mga babaeng experimental sa kanilang mga sexcapades. ‘Yong tipo ba na kahit ano p’wede.
Kaya naman noong wala pa sa showbiz ang isang sikat at mayaman na negosyante, balita namin, isa si Aktor sa masasabing regular keptman ni Sir.
Sa isang showbiz affair kamakailan, dahil ihing-ihi na si guwapong actor at nag-iisa lang ang urinal ng party venue, nakiusap siya sa isang gay showbiz personality kung p’wedeng sabay na silang umihi.
Laking gulat ng beki dahil noon pa man, inaasam-asam din niya ang kamachohan ni guwapong actor.
Say ni actor sa gay personality: “Tingnan mo lang, ha? Basta bawal hawak!”
Si Beki, tuwang-tuwa at naka-jackpot siya .
WATCHED REGAL Film’s Seduction last Friday sa Gateway Mall at tumpak ang sabi ng kaibigan naming si Johnny M. na isang arkitekto na nanood noong Thursday evening sa Robinson’s Cabanatuan (mag-isa lang daw siya sa loob ng sinehan during the screening). Napag-iwanan na si Richard ng mga baguhang artista. Ang layo, milya-milya, ng acting niya compare kay Coco Martin, Gerald Anderson or even Alden Richards.
Kawawang Richard Gutierrez, walang ipinagbago ang acting. Ganu’n pa rin. I just don’t know kung alam niya ang ibig sabihin ng “libog” gayong may isang eksena na hinihingi ni Direk Peque Gallaga na magpakita siya ng “L” sa eksena. Kaso wala. Sa katunayan, mas mapapansin mo pa si Solenn Heussaff at ang girlfriend na si Sarah Lahbati na kahit papaano nakaka-arte kahit konti sa kanilang mga eksena.
Ngayon na marami nang mga baguhang lalaking artista na mas magaling hindi hamak kay Richard, saan na kaya patutungo ang career niya?
Alam ko nagsimula na ang shooting ng pelikula na pagsasamahan nila ni Marian Rivera.
Sabi ng mga mahaderang beki sa showbiz, may three choices lang si Richard kung ano ang p’wede niyang gawin. Una, go siya ng Switzerland at du’n na lang manirahan; mag-quit sa showbiz at mag-negosyo na lang; o ‘di kaya’y apir siya sa Cebu at pasukin ang pulitika come 2016.
TWO WEEKS ago, I was supposed to watch Menor de Edad starring Meg Imperial together with Wendell Ramos sa Gateway Mall.
Akala ko, late na ako sa screening. Bigla, sinabi ng security guard sa takilyera just seconds bago ko bayaran ang ticket: “Cancel na ang 5:30 screening.”
Sabi ng takilyera sa amin, wala raw kasing nanonood.
Another semplang na naman sa isang walang kawawaang project. Directed by Joel Lamangan.
Diyahe tuloy sa original film na Menor de Edad na pelikula ni Marilou Diaz-Abaya na milya-milya ang agwat sa katinuan ng pelikula.
Reyted K
By RK VillaCorta