NAKAKUWENTUHAN KO ANG may hawak ng Cornerstone Management na humahawak sa big bang crooner na si Richard Poon – si Erickson Raymundo.
Nausisa ko sa kanya kung may katotohanan ba ang naibalitang diumano’y nabastos ni Mr. Poon ang isang comedy bar host at singer na si Rufami – sa isang event kung saan pareho silang guest?
Ang paglilinaw ni Erickson: “Naku, hindi totoo ‘yan. Richard was invited by Universal Records (not his label) because he was requested by the client of Universal. It was last February 18. Anniversary ‘yun of Caesar KTV “Miss Bikini” sa Pan Pacific Hotel in Manila.
“When Richard was introduced to sing, he was standing near the tech booth and he doesn’t have a microphone. Louie from Universal looked for a microphone and he was directed to Rufami. He politely asked if he can borrow the mic and Rufami even said “sure”. Louie then handed the mic to Richard. So, walang interaction sina Richard and Rufami.
“Kaya we were surprised when that came out. Richard is a gentleman, very decent and educated. The gig was just a favor to Universal as my friend and Richard is not even signed up with tem (he’s with MCA Music). The manager of Rufami – Andrew de Real of the Library – can attest to that at hindi rin ito naniniwala na Richard can do such a thing-lalo na sa isang babae.”
About the GRO joke – never daw itong sinabi ni Mr. Poon.
Ilang beses na naming napanood sa mga comedy bars na magtanghal si Richard. Sari-saring hosts na ang nakasama ni Richard sa mga bars na ito at puro katuwaan nga ang nagaganap.
WE’VE BEEN TRYING to reach Rufami to get her side. Mukhang busy siya at nakasampa sa Zirkoh-Morato nu’ng dine-deadline namin ito. Kaya we texted din her consultant na si Mamu (Andrew de Real) na hindi pa rin nalilinawan sa isyu.
May nakarating kasi sa aming nagsasaad ng mga rason ni Rufami why she felt violated. This was via a text message na ipinadala diumano ni Rufami sa isang kakilala niya:
“Totoo po ‘yun. Nabastos po ako. Dahil ako po ang nagho-host sa Caesar. Siya po ang naka-assign para mang-harana sa mga girls. Na-cut po niya ako dahil dumaan siya mismo sa gitna ng stage at ‘di man lang niya napansin na may nagho-host du’n. Mukhang nagmamadali siguro siya kaya ‘yung program, ‘di nasunod. Kumanta na siya kaagad.”
Hindi ko naman tinantanan ng kate-text mismo si Rufami para malinawan ang isyu, dahil hindi ako maniniwalang magagawa ‘yun ni Richard. At hindi rin ako maniniwala sa host na ito na gagawa lang siya ng isyu para mapag-usapan.
Kaya, eto naman ang side ni Rufami:
“Tita Pilar, sori po, naka-set po kasi ako. Ngayon ko lang nakita ang text mo. Uhhh, ‘di naman po ako inagawan ng mic ni Richad Poon, Gulat nga po ako du’n sa sinasabi nila na ginagamit ko daw si Richard para sumikat. Nagkaroon lang kami misunderstanding. Nagho-host kasi ako nu’ng event sa Caesar. Eh, may program na sinusundan. Nagpapa-games ako. Nakakuha ako ng 3 lalake para sumali. Dumating siya (Richard). Sa stage siya dumaan kaya ‘di niya lang siguro napansin na nandu’n pa kami. Tapos ‘yun eh, ayaw n’ya kumanta sa mga girls. Ayaw n’yang mang-harana. Kaya na-cut na lang niya ang program. ‘Yun lang po. Wala po akong sama ng loob. ‘Yun lang po ‘yun.”
And we hope so, na totoo itong huling tinuran ni Rufami-dahil may ibang text na kumalat sa una niyang sinabi.
Maliwanag – misundertanding!
The Pillar
by Pilar Mateo