ISA SI Richard Quan sa cast ng Of Sinner Or Saint na kabilang sa eight selected films na magku-compete sa Filipino New Cinema Section ng World Premieres Film Festival. Orginazied by the Film Development Council of The Philippines (FDCP) in cooperation with SM Cinemas, it will take place from June 24 to July 7.
“Actually ‘yong napasama lang ako sa fim na ito, happy na ako, e. Na Italian ‘yong director and from a foreigner’s point of view, happy na ako,” sabi ng aktor. “Tapos okey ‘yong role. And then ‘yong napasali ang pelikula sa World Premieres Film Festival, big bonus na ‘yon.”
Ang Of Sinner Or Saint ay kuwento tungkol sa Italian priest na nadestino sa Pilipinas at nakipamuhay sa isang magulo at hikahos na pamayanan sa Payatas. Bida rito ang Italian na may dugong Pinoy na si Ruben Maria Soriquez na siyang direktor din ng pelikula. Isang pari rin ang role ni Richard. Na kagaya ng Italian priest ay nagkaroon din ng anak.
“The movie is about sa mga pari na medyo confused. Na… nagkaanak ‘yong iba. ‘Yong character ko ang tumulong sa character ni Ruben Soriquez para mapaayos ‘yong situwasyon niya. Kasi nagkaanak din siya nang hindi niya alam. No’ng nalaman niya, ‘yong babaeng naanakan niya (na ginagampanan ni Channel Latorre) ay isa nang asawa ng gangster played by Polo Ravales, so kailangan din naming tulungan ‘yong babae.”
Isang aktibong miyembro ng Iglesia Ni Cristo si Richard. Kaya hindi maiiwasang may magtaka kung paano niya napapayag ang pamunuan ng INC na magampanan niya ang nasabing role.
“You have to look at it sa kabuuan ng project, e. Remember ‘yong Pedro Calungsod (na pinagbidahan ni Rocco Nacino)?
“Dapat ako ‘yong tatay ni Pedro Calungsod, e. Tinanggihan ko ‘yon. “Kasi ‘yong intention ng movie is… propaganda ng Catholic. Itong sa Of Sinner Or Saint, hindi ito propaganda ng Catholic. This is a story ng mga tao na nagkataong Catholic. Alam mo ‘yong difference? Hindi siya propaganda material o propaganda movie. Sa tagal ko nang artista, may mga roles ako na kinuwestiyon (ng INC) of course. At sa tagal ko na kasi, ako na ‘yong nagsi-censor kung ano ‘yong mga roles na tatanggapin ko at kung ano ‘yong mga hindi. Pero there was a time siyempre bago ka na… hindi pala kami puwedeng mag-commercial ng beer. Ipinatawag ako noon dahil sa mga gano’n. ‘Yong sa Pedro Calungsod, medyo confusing iyon. Kasi father lang naman ako ni Pedro Calungsod. Mahigpit. Kaya kailangan ko laging siguruhin na hindi nagku-conflict ‘yong aral ng Iglesia Ni Cristo sa mga roles na ipinu-portray ko.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan