Sa mga may hangover pa rin ng longest-running daytime soap na “Please Be Careful With My Heart”, cheer up, dahil dalawa sa mga characters nito—Richard Yap at Sylvia Sanchez—are back, this time sa seryeng “My Super D” which premieres today bago mag-TV Patrol.
Richard Yap plays the “old” Super D (Delta), ang tagapagpaligtas ng bayan mula sa masasamang element but who gets killed by his nemesis played by Ronaldo Valdez na kasama sa pinanggalingang planeta. Samantala, Sylvia Sanchez plays Belen, anak ng bagong Super D na ginagampanan ni Dominic Ochoa.
Palibhasa’y pambata ang palabas na ito, isa na namang handog ng Dreamscape led by Deo Endrinal, iniangkop ang temang Family Day para sa advanced screening nito sa Dolphy Theatre nitong Biyernes.
And true to the occasion, suportado si Sylvia ng kanyang buong pamilya: from her husband Art Atayde, her mother-in-law Tita Pilar and her children Ria, Gela, Xavi, and Arjo Atayde.
Mistulang children’s party ang labas ng Dolphy Theatre dressed in multi-colored balloons na napaliligiran ng sari-saring booth. May mga bitbit din kasing mga bagets ang ilan sa cast members including its production staff.
Before we were allowed to go in ay nakausap namin si Sylvia in her casual getup (maong na palda na may slit sa harap), her typical look off-camera. Naalala kasi naming election season ngayong taong ito, and years back ay naikuwento niya sa amin ang kanyang planong tumakbo sa lokal na puwesto sa kanilang bayan sa Agusan del Norte.
Hindi na pala itinuloy ng mahusay na aktres ang kanyang balak despite the proddings of the Nasipit folk in the Mindanao province.
“Actually, dalawang magkasunod na terms na ‘kong nililigawan na tumakbo sa amin. Pero kung pag-aabot din lang ng tulong sa mga tao roon, yearly naman, eh, nagpupunta kami ni Arjo roon para mamahagi ng kung ano ang kaya naming ibigay, bigas, de lata,” sabi ni Ibyang.
“Saka bukod sa nag-e-enjoy pa naman ako sa career ko bilang artista, ito tatapatin na kita, baka matukso lang akong magnakaw. Hindi ko sinasabing lahat ng nasa pulitika, eh, nagnanakaw pero tao lang ako, baka ma-tempt ako, ‘yun ang iniiwasan ko. Takot kasi ako sa karma, eh, hindi man ako ang karmahin, eh, ‘yung mga anak ko, ‘yung iba kong mahal sa buhay?” katwiran niya.
And with the stability and domestic bliss that Sylvia has in life, bakit pa nga naman niya gugustuhing gumulo ang buhay niya?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III