EXCITED DAW si Richard Yap sa bagong teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN na pagtatambalan nila ni Judy Ann Santos. March daw magsisimula ang kanilang taping.
“Naikuwento na sa akin ‘yong story. And it’s very interesting,” masiglang sabi ng aktor. “It’s something very different from all the teleseryes that you are watching. So, I’m very excited about it.”
First time pa lang nilang magkakatrabaho ni Judy Ann. Sa palagay niya, he need to break the ice dahil hindi pa sila personal na magkakilala?
“I don’t know. We haven’t met actually. I’ve met Ryan (Agoncillo, Judy Ann’s husband) before. Pero si Ms. Judy Ann, hindi pa. Of course, I’m looking forward to working with her. It’s such an honor. She’s the teleserye queen. So, I’m hoping to learn new things with her. And I’m very excited talaga to work on this project kasi maganda talaga ‘yong story nito. It has a little bit of everything. May drama, may konting comedy, may konting action. A little bit of everything.”
‘Yong role ba niya rito, malayo sa character ni Sir Chief na ginampanan niya sa Be Careful With My Heart?
“Medyo malayo. Kasi ‘yong character ko Rito, iba talaga. But I can’t tell you the details pa. We’ll be announcing it soon.”
Bukod sa teleserye, may iba pa ba siyang bagong projects na gagawin?
“May gagawin akong pelikula. May two movies yatang pinag-uusapan sa ngayon pero wala pang detalye rin as of now.”
Matutupad na kaya ‘yong pangarap niyang makagawa ng action film?
“Mukhang hindi pa, e,” sabay ngiti ulit ni Richard.
Isa si Richard sa mga nominees sa kategoryang Best New Movie Actor sa nalalapit na PMPC Star Awards For Movies. Gaganapin ito sa The Theater ng Solaire Hotel sa March 8 at ipapalabas sa ABS CBN sa March 22.
“Wow!” sabay ngiting reaksiyon ng aktor. “I didn’t expect that. And I’d like to thank PMPC (Philippine Movie Pressw Club) for that nomination. Being nominated is already a big honor for me.”
Maganda ang feedback sa unang album na ini-record niya. Kasunod nito ay ang planong pagkakaroon niya ng concert.
Saan kaya ang magiging venue nito? Sa Araneta Coliseum ba o sa MOA Concert Arena?
“I would prefer siguro mga smaller venues. If ever.”
Bakit ayaw niya sa malaking venue kaagad?
“Siguro ano muna ako… kailangang pahinugin muna ang prutas!” sabay tawa ni Richard.
Sakaling matuloy ang pinaplanong concert niya, sinong mga artists ang gugustuhin niyang maging guests?
“Actually hindi ko pa napag-isipan, e. Kasi wala pa naman.”
Dapat ay magsasama sila ni Ai-Ai delas Alas sa isang Valentine concert. Pero hindi nag-materialize ang negotiation hanggang hindi na rin natuloy ang nasabing concert. May mga intrigang lumabas kaugnay nito. Nagkausap na ba sila ni Ai-Ai na co-producer dapat ng nabanggit na concert?
“We haven’t talked about it. Actually hindi kami nagkita kasi. Much better kasi if we talked about it personally. Wala naming ano… we’ll I feel bad for her. Kasi pati siya, I mean… hindi na nga natuloy, last minute pa. But ano kasi, e… may warning signs na kasi. So, It was my management’s best interest for me na talagang… umpisa pa lang, kinat na nila. Ang problema lang do’n, siya (Ai-Ai)… pinaasa siya. So, I just feel bad na her concert has to be cancelled to the last minute.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan