SPEAKING OF Richard Yap, nakakaloka ang mga balitang naglabasan tungkol sa kanya nitong mga nagdaang araw na nagpapahiwatig daw s’ya sa mga fans n’ya thru his tweets sa kanyang Twitter account kung ano ang gusto n’yang iregalo sa kanya ng mga ito.
Sa mga naninira kay Richard o Ser Chief, lalo na kay fashionpulis kung saan din lumabas ang balitang ito, at sa iba pang blogs o sa mga pumatol sa issue na ito, heller, bago pa s’ya pumasok ng showbiz ay may kaya na s’ya sa buhay at ang pamilya n’ya, ‘no! Kaya hindi kailangang mangharbat nito sa mga supporters n’ya.
Kayang pagtrabahuhan ng aktor, gaya ng ibang tao, kung ano man ang gusto n’yang bilin na kapritso para sa sarili n’ya at sa pamilya n’ya.
Modesty aside, sa ganda ng showbiz career at dami ng endorsements ni Ser Chief, hindi n’ya kailangang manghingi ng mga bagay na gusto n’ya sa ibang tao, lalo na sa mga mababait n’yang fans, at hinding-hindi n’ya gagawin ang bagay na ‘yon.
At hindi rin sa nagyayabang si Richard nang sabihin n’ya sa interview sa kanya na may Rolex watch na s’ya nung kindergarten pa lang s’ya.
Nasabi n’ya lang ‘yon just to prove na bagets pa lang s’ya ay may mamahaling gamit na s’ya, kaya hinding-hindi n’ya gagawin ang manghingi ng mga bagay sa mga faney n’ya at alam nila ‘yon.
Dismayado lang si Ser Chief sa issue na pinupukol sa kanya at natural, kailangan n’yang depensahan ang sarili n’ya, kaya nasabi n’ya ‘yon sa kanyang interviews.
Alangan namang palampasin n’ya lang ‘yon at magsawalang-kibo, lalo na’t wala namang katotohanan at hindi talaga s’ya gano’n.
Alam ng mga malalapit na nagmamahal na supporters kay Richard kung gaano s’ya kabait sa ibang tao, lalo na ‘yung mga nangagailangan ng tulong, at walang yabang sa katawan. Kaya magtigil kayo sa mga paninira sa kanya, dahil waley kayong basehan.
Franz 2 U
by Francis Simeon