Alam ni Richard Yap, bida sa “Mano Po 7: Chinoy” na pansamantala lang ang showbiz at hindi ito pang-matagalan. Handa rin daw siyang bumalik sa pagiging businessman if ever hindi na siya kailangan sa showbiz.
“Mahirap din kasi ‘yung hindi ka mag-let go. Everybody has their time. So, kung wala na, okey lang,” dagdag pa niya.
Ayon pa sa kanya, hindi siya natatakot na mawala ang kanyang popularity.
“Hindi ko naman talaga inisip ‘yun. Kasi when I started, I never had any aspiration na gusto kong maging sikat or whatever.
“Basta ‘yung sa akin, whatever happens, happens. Parang nangyari lang siya na hindi ko talaga gusto na maging ganu’n, o gusto ko talagang sumikat. So, if it’s there or not there, I think I’m still the same person that I am. So, okey lang sa akin,” katuwiran niya.
Bilang bida sa “Mano Po 7”, nagbigay rin ng reaksyon si Richard sa mga nagsasabi na quality ang naging basehan ng MMFF kung bakit hindi nakapasok sa Top 8 ang kanilang pelikula.
“I disagree!” pagdidiin ni Richard.
“Parang I think na it’s not the right word to say. Maybe it’s a different criteria. Hindi siguro sa quality. Kasi hindi naman namin ginawa ito na parang basta-basta lang, gagawin mo lang,” dagdag pa niya.
Patuloy ni Richard, “I think, we also put in as much quality as we can into this film, we did everything we can, ginastusan din ito nila maging authentic lahat, we even went to Taiwan.
“So, in terms of quality, I think, hindi naman kami talo ro’n,” sabi pa niya.
La Boka
by Leo Bukas