Maganda ang feedback ni Ms. Roselle sa amin tungkol sa box-office returns ng pelikulang “Mano Po 7: Chinoy” na nagsimulang ipalabas this Wednesday, December 14. Sa maikling tugon niya, “It’s doing well.”
Maganda naman kasi ang pelikula na napanood naming sa premiere night last Friday. Personally, gusto ko ang movie. Sabi ko nga sa Regal Films publicist na si Jun Nardo, bukod kina Jean Garcia at Enchong Dee na marami nang napatunayan sa pag-arte, si Richard Yap, iba na ang level ng kanyang pag-arte kumpara sa previous movies niya na tipong “feel good” lang na tipikal Richard with the peg of his character as Papa Chen, masasabing higher level na rin naman ang aktor.
Sa bagong pelikula niya na isa sa inaabangang anthology sa showbiz (Mano Po), halos lahat ng mga artista na nakabilang ay magagaling. From Vilma Santos to Christopher de Leon; to Sharon Cuneta to Richard Gomez; to Zsa Zsa Padilla at maging si Miss Susan Roces; hindi mo puwedeng ismolin ang mga artista na napabilang na at ngayon nga, si Richard ay isa na rin sa hanay nila.
Aminado si Richard na medyo pressured siya sa role niya as Wilson Wong na mister ni Jean Garcia who plays Debbie Wong.
Mapabilang ka ba naman sa hanay ng mga artista na kabilang sa “Mano Po” installment, si Richard kabado sa magiging outcome ng pelikula niya.
“May konting pressure talaga sa amin. We know that the past “Mano Po” movies have been very, very successful. Ang daming mga awards na nakuha. Basta dito, we just did our best. We think that this is the most authentic “Mano Po” because kami ‘yung medyo newer Chinese na nakasasalita talaga and we have real Chinese conversations in this movie and our director is Chinese also.”
Kung authenticity ng script ang pag-uusapan, maipagmamalaki ni Richard ang “Mano Po 7: Chinoy” dahil ang writer ng pelikula is also Chinese,” pagsi-share niya.
Sa “Mano Po 7: Chinoy”, very Chinese ang background ng pelikula. Ipinakita ang kultura ng mga Chinese tulad halimbawa sa “engagement” ni Enchong at Jessy Mendiola sa isang eksena ng pelikula.
Even ‘yong pag-aalay ng pagkain sa puntod ng kanilang naulila ay kasama rin sa pelikula para i-established ang kultura ng mga Chinese.
Dagdag ni Richard, “Nakare-relate ako rito sa “Mano Po7: Chinoy” kasi there are a lot of Chinese families na parang ganu’n din ang situation nila. Usually kasi the father is so caught up with being successful in business na wala na siyang masyadong oras para sa mga anak niya. So ‘eto ‘yung mga problema sa modern Chinese families. Pero rito n’yo makikita kung paano nila mare-resolve ‘yung conflict.”
Reyted K
By RK VillaCorta