WITH SEEMING finality ay goodbye soap opera na si Kris Aquino.
She’s resigned to the fact na she’s better off as a host than as an actress. Tanggap naman niya sa kanyang sarili na hindi siya kagalingang umarte. But just the same, marami pa rin ang pumupuri sa kanya sa Kaila-ngan Ko’y Ikaw.
That’s what we admire on Kris. Marunong siyang tumanggap ng katotohanan.
Just recently rin, sising-alipin si Kris matapos niyang pirmahan ang tseke na nagkakahalaga ng milyon para sa settlement nila ni James Yap.
Hinayang na hinayang si Kris na kay James mapupunta ang kanyang pera na dapat sana ay either kina Bimby or Josh.
SIKAT NA sikat na nga si Richard Yap, more popularly known as Sir Chief sa Be Careful With My Heart.
As it is, he gets to experience things that a matinee idol go through – pagkaguluhan sa mall, hilahin, halikan, hipuan and everything.
But there was one incident which he can’t shake in his memory.
“Meron isang time sinuntok ako sa puwet. Parang nanggigil siya. Actually hindi nga mall show ‘yon, eh. Nasa airport ako, palabas ako. Nilapitan niya ako, hinug ako. Siguro middle age siya. Natulala lang kami,” chika niya sa thanksgiving presscon na ibinigay niya sa press recently.
Despite his age ay matinee idol ang tingin kay Richard, something that fits him to a T because he’s very simple, unspoiled and humble.
“Suwerte lang talaga ako. I don’t know what title they would like to give me. It’s really a blessing. I was here at the right time.”
Ano sa palagay niya ang appeal ng Be Careful With My Heart?
“I think if you have good intentions, may good vibes ka… if you sent love, joy, that’s what gets the people. ‘Yun talaga ang parang ano, what attracts the people. Good things attract. Good reactions also siguro.”
Amused na amused si Richard sa pagte-tredning ng ilang mga eksena nila ni Jodi. Kilig na kilig ang fans lalo na sa Harana episode nila.
“Naano nga kami. Everything that we do parang it creates stir. We’re so happy that it’s happening but sometimes we don’t know why. Parang ganoon ang feeling namin.
For somebody who’s new in showbiz, we asked him kung ano ang discoveries niya at kung ano ang difference ng showbiz sa corporate world na pinanggalingan niya.
“I think there’s a lot of similarities also, corporate life, showbusiness life. There are good and bad people anywhere so kahit saan naman mami-meet mo sila. It’s just how you deal with them. It’s the same thing. The only difference is that wala kang paper works dito. You have longer hours lang pero much better compensated ka naman.”
SIGURO NAMAN ay magtatanda na ang namamahala ng Party Pilipinas dahil under probation sila for six months. Ito ay dahil sa very provocative number ina Lovi Poe at Rocco Nacino.
Any which way we look at the said number ay hindi talaga magandang tingnan and it sets a bad example sa mga kabataan. ‘Kaw ba naman ang magpakita ang isang babae at lalaki na naglalampungan sa kama at naghahalikan habang naka-harness sa ere ay hindi ka ba mababastusan.
Ang tapang kasi nilang magpalabas ng sexy number, hindi nila naisip na ang kanilang timeslot ay pinanonood din ng mga bata.
Bukod sa under probation for six months ay pinag-i-issue ng public apology ang namamahala sa show.
Nakakaloka ang GMA-7, parang sa tagal nila sa industriya ay hindi pa nila alam kung ano ang puwede at hindi puwede sa noontime programming.
Teka, baka nagpapakontrobersiyal ang number two station para panoorin ang Sunday show nila na mababa ang rating, ‘di kaya?
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas