“Of course, there’s pressure on doing this kasi ako ang magiging sentro ng character ng movie,” reaksyon ni Richard Yap nang tanungin namin kung nakararamdam ba siya ng pressure sa pagbibida niya sa “Mano Po 7” ng Regal Entertainment.
Dagdag pa niya, “Gusto ko rin naman kasing magtuluy-tuloy ang success ng franchise ng ‘Mano Po‘. There’s a little pressure so I will just do my best and hope that God will take care of the rest.
Sa palagay ba niya ay kikita ang pelikula niya?
“Sa ngayon, hindi ko muna iniisip ‘yan. Baka ma-affect ‘yung movie. I will just do my best and tingnan natin kung ano ang magiging outcome nito. ‘Wag muna nating isipin ‘yon,” sagot ng actor.
Nang tanungin naming kung ano ang nag-convince sa kanya para pumirma sa Regal at tanggapin ang “Mano Po 7”, ang sabi niya, “I think it’s a combination of everything. Regal Films naman ‘yan. Pioneer in this movie industry. I think it’s also a good story for me.”
Gusto rin daw niyang gumawa ng isang full-length drama kaya niya tinanggap ang “Mano Po 7”.
“Maiba naman. Try naman natin ang ibang genre. I think we need to do a lot of things. Hindi puwedeng mag-stick lang tayo sa rom-com. Magsasawa rin ang mga tao if you keep on doing the same thing over and over again! You have to show your versatility also,” katwiran pa niya.
La Boka
by Leo Bukas